TULA (POETRY)
Gayuma
NI AXEL PINPIN*
Inilathala ng Bulatlat
Nagkalat daw ang gayuma sa Quiapo
Dahil malapit na ang Araw ng mga Puso
Kahilera ng makabuhay, tawas, tanso
Hairpin, DVD, pampatigas ng likido.
Langis sa botelya, dasal sa istampita
Sto. Niñong may titi, bulong sa palara
Sambit ng mangkukulam na tindera:
Halina! Panghalina sa mailap na pagsinta!
Kumagat ako sa pain at naghalungkat
Sa bunton ng paninda'y nagharap ng agimat
Ngunit bigong makabili ng gayumang layon
Para sa sambayanang nagpapakipot sa
rebolusyon!
10 Feb '07
Camp Vicente Lim
Inilathala ng Bulatlat
*Si Axel Pinpin ay kabilang sa
tinaguriang “Tagaytay 5” – kasama nina Riel Custodio, Aristedes Sarmiento,
Enrico Ybañez, at Michael Masayes – na dinukot ng mga pulis at militar
noong Abril 28, 2006 sa Tagaytay City, pinaratangang mga “rebeldeng
komunista” at ngayo’y halos isang taon nang nakakulong sa Camp Vicente Lim
ng Philippine National Police (PNP). Naging
fellow siya para sa tula ng UP National
Writers Workshop noong 1999.
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.