Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 49      Jan. 14 - 20, 2007      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

DAGLI SA KRISIS*

Mustasa
para kay Jun Cruz Reyes

Sa parabola ng mustasa at manunulat, dyumi-jingle sa pader, pinatataba ang mga butong napapadpad dito at doon.

ni Rolando B. Tolentino
B
ulatlat

Sa parabola ng mustasa, ang naihasik na mga munting buto ay tumubo sa kung saan-saang lugar—sa mabatuhing lupa, uusbong, yayabong pero dahil di malalim ang ugat, mamamatay; sa di naaarawang lupa, matagal umusbong, walang katiyakan kung yayabong; sa mayamang lupa, uusbong, yayabong, magiging malusog na puno ng mustasa.

Ang manunulat kapag inutusan ng hari, dyumi-jingle sa pader.  Kapag may nunal sa talampakan, nagbibiyahe sa kung saan-saang lugar.

Naisisigang ang mustasa.

Ang manunulat kapag nauulanan, nilalamlam ang bawat patak kahit pa tratrangkasuhin.  Ang manunulat kapag nahanginan at napuwing ng butil ng alikabok, naninilo ng ere.  Kapag nakakita ng pulang lobong lumilipad, titigil sa kalagitnaan ng traffic at magninilay-nilay.  Kung anibersaryo ng Kabataang Makabayan, hindi matatagpuang umiinom ng Lost Horizon sa Moviola.  Kung naging tutubi, hindi magpapahuli sa mamang salbahe.

Sa bayan namin sa San Leonardo, ginagawang buro ang mustasa. 

Ang manunulat, kapag binaha, lalong ayaw magpaistorbo sa pagsulat.  Kapag lumilindol, tutungkuran ng sariling katawan ang umuuga-ugang bookshelf.  Kapag nag-crash ang computer, dudulog sa lahat ng mga santo kahit hindi naman relihiyoso.

Masarap ang burong mustasa sa bagong saing.

Pero kapag nasunugan ang manunulat, walang maililigtas.  Hindi maalaalang isalba ang hard disk at kopya ng mga manuskrito.  Hindi maalaala kung ano ang suot sa pagtakbo palabas ng bahay o kung ano ang huling napanaginipan sa pagduyan ng pagod sa himbing. 

Kumusta, mustasa?

Ang manunulat kapag nawalan ng tahanan, nagiging tahanan ang lahat ng bahay.  Kapag nawalan ng manuskrito, lumilikha ng bagong kwento.  Nilalamlam ang pagkabalaho, umuusad matapos.

Sa parabola ng mustasa at manunulat, dyumi-jingle sa pader, pinatataba ang mga butong napapadpad dito at doon.  At tulad ng sumpa ng may nunal sa talampakan, hinog na naman sa muling paninilo sa ere. Bulatlat

------------------------------

(Ang maikling kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito.

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.