Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. IV,    No. 45      December 12 - 18, 2004      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

 

TULA (POETRY)

 

Lamay sa Piketline

Alay sa mga naulila ng masaker sa Hacienda Luisita

 

Ni Myke Sotero

 

I.                     Ganito kami maglamay sa aming mga bayani

Ilalantad ang telang pulang naghuhumiyaw sa mga pangalan

Hubad ang bawat letrang nananawagan ng katarungan

Nagpupugay sa sakripisyong di matutularan

 

II.                   Pinababaha ang mga polyeto ng pagkundena

Upang buong bayan ay maantig sa mababasa

Ang kahayupang dinanas nila

Sa kamay ng berdugong panginoon ng hacienda

 

III.                 Magdamag ang talumpati at pakikiisa

Ng kasam-palad ng taong tulad rin nila

Api, binusabos at inagawan ng pag-asa

Ng bulok at inuuod na sistema

 

IV.                 Pinaaalingawngaw ang luksangpati

Habang lamig ng pangungulila’y bumabalot sa paligid

Magdamag na magtatanod ang kandila ng pulubi

Sa tabi ng mga nasawing pesante

 

V.                   Walang patid ang tangi’t panaghoy

Upang sairin ang luha sa pagdaloy

Kasabay ng pagsayaw ng hangin sa mga bandila

Kuyom na naghihimagsik ang kamaong naulila

 

VI.                 At bawat sigaw ng paghihiganti

Ay sumpa ng lumulunod sa kaibuturan ng gabi

Ganito kami maglamay sa aming mga bayani

Bukas ililibing ang mga martir na pesante

 

VII.               Sa gabi ng pagpupugay at parangal

Antok na dumapo’y hindi sasagabal
Pagkat di lamang bente uno ang pinaglalamayan

Maging ang kalayaan ay nakaburol sa karimlan

 

VIII.             Pagsikat ng araw hindi pa rin manlulumo

Sa mahabang lakbayin patungo sa sementeryo

Imamartsa ng bayan sa lansangang aspalto

Upang ibilad ang bangkay sa hindot na berdugo

 

IX.                Bayan ko maghimagsik ka

Ang inutil na salarin ay dapat singilin na

Kung dugo na dumanak ang kanilang pagkakautang

Tunay na makatarungan kung dugo ang kabayaran.

Posted by Bulatlat

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

© 2004 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.