Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts Volume IV, Number 19 June 13 - 19, 2004 Quezon City, Philippines |
POETRY Ang
Lihim ni Madam Gloria Ni
Joi Barrios* Congress
of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy - Alliance
of Concerned Teachers Ang
akala ng lahat May
layang magpahayag, Ngunit
tayo lang ay nalingat May
batas nang di mapaliwanag. (Mayroon
nga ba talaga? Tiyak na tiyak?) May
estasyon sa telebisyon, Bawal
magbilang ng resulta ng eleksiyon, May
pahayagang waring pinagbawalan Tumanggap
ng adbertisment ng kalaban. Tanging
ang Madam at kanyang mga katuwang, Ang
sa bolang kristal ay may tangan-tangan. Gloria
Gloria salamangkera. Pinagbubuhol
na parang panyo ang balota, Paghugot
sa sumbrerong mahiwaga, Lilipad
ang kalapating may dalang korona. Dali-daling
ipuputong sa salamangkerang reyna. Mga
kababayan, magbantay, mangamba. Walang
demokrasya hanggat may pandaraya. Walang
kalayaan hanggat bawal magsalita. Lumabas
sa dilim, Hiwaga
ng salamangka ay itakwil. Taumbayan
ang siyang dapat na mangusap. Taumbayan
ang mananaig nang higit sa lahat, Tayo
ang taumbayan, at nasa atin ang lakas! Ika-24
ng Mayo 2004 * Joi Barrios, Ph.D., is the cultural committee head of the Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy, UP chapter (CONTEND-UP). CONTEND is a member-organization of the Alliance of Concerned Teachers (ACT).
Bulatlat.com We want to know what you think of this article.
|
|