Marami Akong Inibig*

NI REUEL MOLINA AGUILA Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 28, August 19-25, 2007 Marami akong inibig Dahil marami akong puso. May puso ang magaspang kong palad Ang mga daliri kong kinakalyo Ang aking balikat, bisig at braso Kayat inibig ko silang nag-apuhap Ng ikabubuhay sa paggawa. Silang arawan kung bayaran Ng trabahong katumbas ay buwan. Silang namuhunan ng pawis, ng lakas Ng dunong upang mabuhay ngayon Bahala na ang bukas. Silang inatang, pinasan, binuhat Ang di kayang dalhin ng lipunan Inibig ko silang lahat. May puso ang aking talampakan…

Read More