Tags: Mark Angeles

Ni MARK ANGELES Alalahanin ang bakbakan: Tatlong linggong singkad ng Setyembre Pumatak sa kalendaryo ng kapalarang Itinatak sa kalaparan ng Zamboanga. May nagtanim diumano ng bandilang Bangsamoro Republik— Diversionary tactic Nang malihis sa PDAF ang ngitngit Ng daan libong taumbayan. Daan-daan ang napaslang, Daan-daan ang nasugatan. May ilan pang lumpen-proletaryadong Pinagbihis-MNLF, ginawang armado Nang hindi…

(nang magpamisa ang Free Jonas Movement) ni Mark Angeles May bailehan sa Kampo Aguinaldo. Dalawang loud speaker ang inilabas. Nambulahaw ng mga miron at pasahero Na regular na dumaraan sa kanilang tapat. May kasiyahan sa Kampo Aguinaldo. Sa anong okasyon? Umagang-umaga. May anak ng heneral bang magde-debut? May pa-despedida ng isang esposa o kerida? May…

NI MARK ANGELES Inilathala ng Bulatlat Vol. VIII, No. 12, April 27-May 3, 2008 Nagpunta ako isang bakasyon sa abandonadong konstruksyon paglilipatan sana ng munisipyo pero nabalam ang proyekto kalaboso kasing katakut-takot ang sunud-sunod nitong inabot overpriced na ang materyales delayed pa sa completion date Saput-sapot na mga alambre nakaluwang kable ng kuryente ang siyang…

NI MARK ANGELES Inilathala ng Bulatlat Vol. VIII, No. 11, April 20-26, 2008 Hus dis kabayong buntis Hus dat kabayong bundat Panay-rebound mga kartel ng langis Mga kumprador nagpapasarap Taumbaya’y iginagapos sa buwis Sa utang panlabas, kinakaladkad Kapag napuno sa pagmamalabis Tulad ng bulkang magbabalikwas Hus dis kabayong buntis Hus dat kabayong bundat Inilathala ng…

NI MARK ANGELES Inilathala ng Bulatlat Vol. VIII, No. 10, April 13-19, 2008 Niyayakap natin ang matandang puno ng mangga. Lahat tayo, nag-aatang ng ating mga kamay. Sa ilalim ng malalabay nitong mga sanga sabay-sabay tayong umuusal ng pulang awit. Unti-unting natutuyo ang ilang dahon: humuhulagpos sa kinakapitang duklay. Inilululan ng hangin sa ibang lugar…

(Kay Jonas Burgos, desaparecido) NI MARK ANGELES Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 16 May 27-June 2, 2007 Noong mawala ang susi ng aparador, itinaob namin ang buong bahay. Bakit hindi kita hahanapin, Jonas, ngayong dinukot ka ng mga operatiba ni Arroyo? Waring umalingawngaw sa aking sintido ang iyong tinig: Aktibista ako! Aktibista ako! —…