Category: Poetry

NI ALEXANDER MARTIN REMOLLINO Bulatlat Vol VIII, No. 7, March 16-29, 2008 Sampung pisong pisbol ang kainin sa almusal. Sampung pisong pisbol ang kainin sa tanghalian. Sampung pisong pisbol ang kainin sa hapunan. Sa halagang P30, lubos nang matutugunan ang pangangailangang kumain nang tatlong beses sa isang araw. Para naman sa “panulak,” mabibili sa sampung…

NI JOI BARRIOS Inilathala ng Bulatlat Vol. VIII, No. 7, March 16-29, 2008 Longhino, Longhino! Sundalo kang Romano. Ikaw na pumukol ng sibat, Sa tagiliran ni Kristo, Pagkat nais matanto Kung ang hininga niya’y Tuluyan nang napugto. Ikaw na bulag, Ngunit sa tilamsik ng dugo, Ay nakakita ng liwanag. Ay, Longhino! Ngayo’y Semana Santa na…

NI PAPA OSMUBAL Inilathala ng Bulatlat Vol. VIII, No. 4, February 24-March 1, 2008 sa dugong tumagistis buhat sa inyong dibdib napagluksa ang lupang luoy na sinilaban ng mabangis na araw umusbong at lumago ang hubad na butong binhing kalinga ng mapagbatang panahon yumapos nang mahigpit ang mga ugat sa kanlungan ng pasipikong linang na…

O bakwet, kami po ay bakwet Mula sa probinsya, kami ay umalis Nagbakwet, kami ay umalis Doon po sa amin, sundalo’y malupit Sundalo’y walang galang, hindi yata nag-aral Matanda at bata, sinasaktan, pinapatay Hindi nila pakinggan ang aming katuwiran Agad dadamputin at sinasaktan O bayan ko, o bayan ko Paano ang pag-aaral ko? Napatigil, o…

NI PAPA OSMUBAL Inilathala ng Bulatlat Vol. VIII, No. 3, February 17-23, 2008 Hapo na ang kalamnan sa pagbaklas ng tuyong langib sa bukiring nilambungan ng bangungot may mga sariwang sugat pa pala sa likuran ng talahib at dawag na hindi pa napaghilom ng panahon. Hindi na nagtika pa ang Kasaysayan, mapanghuwad ang dala nitong…

(Komunikasyon Mula Sa Pusod ng Imperyo) NI E. SAN JUAN, JR.* Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 50, January 27-February 2, 2008 Mula kay Ka Alegria, pasalubong ang cancion ng sosyalistang pakikibaka sa Venezuela, kalugod-lugod na balitang ipinaabot mo bilang balik-bayan- Bagamat sinagkaan hinarang, patuloy ang agos ng Revolucion Bolivariano sa lupang binusabos ng imperyalistang…

NI AXEL PINPIN* Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 49, January 20-26, 2008 Kung punebre na yaring mga awit sa mga suyuan ng magbubukid at ang mga tula nila ay dalit ng pasakit sa tanang panggigipit; aguniyas ang dupikal na himig nitong nangagluluksang mga karit! Kung puntod na yaring mga bukirin ng lupang dati’y linang…