Category: Poetry

NI RUSTUM CASIA Inilathala ng Bulatlat Habang nagdidildil ng asin para ulam ang sambayanan, bigla silang darating at sasabihing walang masama kung nagdala sila ng higit anim na milyong piso sa Moscow. At tayo. Tayong hindi man lang makarating ng Bora, Tagaytay at Baguio. Tayong palagi na lang ay namamaluktot- maikli ang katsang kumot. Tayong…

NI E. SAN JUAN, JR. Inilathala ng Bulatlat Pambihira ka Matatag matingkad mabagsik ang luntiang apoy sa iyong mga mata Habang dumadampi ang hamog ng umaga Sa iyong pisnging hinog sa pangarap ng masamyong kinabukasan— Nagliliyab ang iyong tapang, nakapapaso ang dingas ng iyong determinasyon— Nabighani sa sanghaya ng iyong dangal at sa panaginip Nangahas…

NI NOEL SALES BARCELONA Inilathala ng Bulatlat Saan ko ipadadala ang puting-puting rosal? Ang sampagitang ang bango’y pawid ng hanging amihan? Kanino ipagbibilin ang tinipong ilang-ilang Gayong hindi mapagtanto ang iyong likmuan? Saan ko ipadadala ang pulang mga rosas Na aking pinitas habang nangangarap? Saan iaabsang ang marikit na liwanag Na aking tinipon sa bagwis-alitaptap?…

NI ALEXANDER MARTIN REMOLLINO Inilathala ng Bulatlat Maging ang pinakamahimbing nating pagtulog ay hindi mahimbing. Sa pinakatahimik man nating mga gabi, waring walang katapusan ang ingay ng mga buldoser, ng nagkakapira-pirasong mga tabla, ng nagkakayupi-yuping mga yero. Sapagkat may ilang nagnanasang umangkin ng ating karapatang makumutan ng katahimikan sa kalaliman ng gabi, ng ating karapatang…

(1986-2008) NI E. SAN JUAN, JR. Inilathala ng Bulatlat Dalawampu’t dalawang taong tinipon ang lakas at binigkis ang diwa Dalawampu’t dalawang bigwas sa nguso ng imperyalismo Dalawampu’t dalawang bira sa ngipin ng berdugong militar Dalawampu’t dalawang dagok sa kilabot ng teroristang Estado Dalawampu’t dalawang hampas sa kuko ng burokrata-kapitalistang alipuris Dalawampu’t dalawang suntok sa sikmura…

NI TERENCE KRISHNA LOPEZ Inilathala ng Bulatlat Wari’y pinipilas Ang bawat kong kalamnan, Pinipigtas ang bawat kong ugat Sa paggunita sa iyo Anong giting Anong tapang Anong tatag Ng iyong pag-ibig Na handa’t humarap Sa digmaan Tinanganan ang sandata Para sa bayan Ah, Humihikbi ang bawat gabi May pighati maging ang mga sandaling sumusikat ang…

(Pasintabi sa mga makatang Amado V. Hernandez, Rio Alma, Jose Lacaba at Bienvenido Lumbera) NI JOI BARRIOS-LEBLANC Bagong Alyansang Makabayan Women’s Desk Inilathala ng Bulatlat Hindi na kailanman. Hindi na kailanman ang alembreng tinik, ang bilanggong pulitikal na tumatanaw sa kapirasong langit[1] ang takot sa pasismo na namamahay sa dibdib. Hindi na kailanman ang kondesa…

NI E. SAN JUAN, JR. Inilathala ng Bulatlat (In Memoriam: Maria Theresa “Cherith” Dayrit-Garcia (1957-2000); Unang Pagsubok) Nakahimpil kami noon pansamantala kina Helen nang mabalitaang nangyari nga– ang dating ng balita’y pagkagulat sandaling sumalisi ang di pagkapaniwala sumapot ang lagim at bigat ng panghihinayang…. Nabuwal ka noong 16 Hulyo 2000 sa sitio Bagis, baryo Napoleong,…

NI VIJAE ALQUISOLA Inilathala ng Bulatlat Volume VIII, Number 32, September 14-20, 2008 Tinawag kang ama ng himagsikan ng aking mga aklat sa elementarya na may ilang punit at pilas na pahina. ipinagpatayo ka ng rebulto, Andres, upang di malimot ang ‘yong kadakilaan, ang ‘yong katapangan, ang ‘yong pag-ibig sa bayan. Tumatak hanggang sa mamahaling…