Asunto

Ni VINCE CASILIHAN

Bibig ay binusalan
Pagsulat ay pinagbabawalan
Balitang ibinubunyag
Kaso ang katapat.

Balita diumano ay peke
Subalit peke ba ang turing
Sa balitang totoo?
O takot sa multong sila ang maygawa?

Sa bawat salitang inusal
Kaba ay laging naririyan
Sa bawat letrang isinusulat
Kaso ay nakaumang.

Nakakatakot isiwalat ang katotohanan
Lalo kung ang kalaban ay nasa pamahalaan
Nagsisilakihan at may sinabi sa bayan
Na ayaw mabunyag ang iskandalong alam.

Kasong libelo, Asunto!
Sampal ng pulitiko
Baril na nakatutok sa ulo
Mapatahimik lamang ang peryodista

Inusal lamang ang katotohanan
Inilimbag lamang ang nalalaman
Ang tapat at totoo ay isinalalarawan
Subalit asunto at kamatayan ang kinahihinatnan.
(https://www.bulatlat.com)

Vince Casilihan is a Bicolano poet, writer, civil libertarian and human rights advocate.

Share This Post