Ni DANNY FABELLA
Ang mga salita
Upang kayo’y papurihan
Ay kapos
Kung ang inyong gawa
Ay hindi namin susundan
Nang lubos
Kaya nga’t hahakbang
Ang bawat isa sa amin,
Pasulong!
Kami’y buong tapang
Sa laban n’yo’t simulain,
Dudugtong.
At walang pasista
Na ‘di natin dudurugin
Nang ganap
Ang laya’t hustisya
Ay tiyak nating kakamtin
Sa wakas!