Vandaldalismo

ni CARLOS MANINGAT

Matagal nang dinudungisan
ng kapulisan ang mga pader
at kalsada — gamit ang
dugo ng mga biktima
ng gera kontra droga;
matagal nang nakamarka
ang panawagan para
sa hustisya;
Para sa ilang burgis, wais
ang paggamit ng buwis
kung ang baril ay nakatutok
sa mga mukha ng hinagpis.

Share This Post