Mali ang umasa

Ni JAMES COGON

“Mali ang umasa sa ganitong sistema.”

Oh inay, kay hirap ng buhay.
Buong mag-araw ay nag-aararo si itay.
Gumising ako nang maaga para maghanapbuhay
Subalit pag-uwi sa bahay, wala pa rin si tatay.

Sa pagdating ng hatinggabi
Ako ay napatunganga sa isang tabi,
Napatingin sa isang sulok ng bahay
Sabay sabing, “Wala nang pag-asa ang ganitong klasing ng buhay.”

Pag-ibig na aking nadarama ay ubod nang saya.
Sa paglipas ng panahon, bigkis tayo ay pinagsama.
Mithiin ko ay baguhin ang sistema; tayo ay lumaya
Sa hirap na ating tinatamasa dahil sa bulok na sistema.

Pilit ko mang baguhin ang aking sarili,
Sapagka’t sa kulturang dayuhan tayo nakatali,
Yaman ng kalikasan, dayuhan ang nakinabang
Kaya tayong mga Pilipino ay lugmok parin sa utang.

Sa isang sitwasyon ako ay namulat
Hindi pala imahinasyon ang lahat.
Patuloy akong umabanti, ipinaliwanag sa taong bayan
Ang ating nararanasan ay resulta ng ating kapabayaan.

Hanggang kailan tayo magkakaganito
Kung mismo ang taong bayan ay bulag sa katotohanan?
Tayong mga Pilipino ay walang sariling kalayaan
Dahil sunud-sunuran pa rin tayo sa dikta ng dayuhan.

Isa sa mga abanting pamaraan
Mga kabataan tumungo sa kanayunan
Paglingkuran ang sambayanan
Upang makamit natin ang matagal na nating inaasam
na tunay na kalayaan.

(http://bulatlat.com)

Share This Post