Ang makata

Ni TONY BORINAGA

ng ating binihag na bayan
kung gabi, nakikita’y tanging kinang ng bituin
at ganda ng asul na buwan
sa umaga, pag-asa ang hatid ng pagdungaw ng araw.
lagi sa kanilang utak
umiinog ang romansahan,
ang walang katapusang tamis at pait ng kalibugan:
(aking kamay sa mga pakpak ng kanyang dibdib.
bakit nagwakas ang aming maiinit na gabi?)
kung minsan, ang saya’t unlad ng ibang bayan,
panlalait naman sa inang bayan.
pagsamba sa tagumpay at karangalan,
paglura sa kawalan.
hyena sa lamang tira ng mga leon.

makata para sa sariling pangarap.

kaya lagas ito sa kanilang mga tula:

ang nakababaliw na sahod,
pangarap na lupang sinasaka,
maging trabaho ay pangarap,
angking bahay sa ibabaw ng lupa,
at daangtaong pagdilig ng dugo sa kalayaan:
sa landas ng mendiola, sa pabrika, sa sakahan.

dito sa api at napakahirap na bayan,
sila’y pinaparangalan
at dapat hangaaan at tularan.

pero minsan sa bayan ding ito,
ang makata ay isang gerilya…

(http://bulatlat.com)

Share This Post

Post Comment