Mainit na kamao

kp
Ni REYWYNX MORGADO

Minsan ika’y nakatulog
Tila hindi naririnig ang kanilang mga bulong
Nakatali sa maraming personal na rason
Pero di mo maiintindihan, kahit gaano katagal
Magigising at magigising ka.

Pagbukas ng iyong mga mata, andoon pa rin sila, naghihintay
Walang kapagurang tinatahak ang lansanga’t kanayunan
Mapagsilbihan lang ang taumbayan.

Gigising ka’t biglang iiyak, dahil di mo inakalang yakap-yakap ka pa rin nila

Kamao mo’y nakataas
Tangan-tangan mo’y hinaing ng mga api
Babangon ka’t babalik rin
Sa lugar kung saan ka nagsimula.

Plakard, flags at megaphone
Yayakapin mo ulit
Upang mangulit
Sa sira-sirang sistema ng bansa.

Ihanda ang hanay
Tatahakin natin ang tagumpay
Sa ikalawang pagkakataon
Hindi pa huli ang lahat

KAMAO MO’Y MAINIT PA.

Share This Post