Ni KISLAP ALITAPTAP
Sa imbestigasyon
Sisilipin nila ang ibat-ibang anggulo
Susubukan nilang alamin
Kung sino ang tunay na salarin
Kung sino ang may hawak ng patalim
Hindi sila nakuntento
Sa salaysay ng Saksi
Na ang salaring may hawak ng patalim
At humiwa sa iyong leeg
Ay ang ilang piraso ng papel
Na iniwan mo sa maliit na lamesang
Katabi ng iyong kama sa ospital
Ilang piraso ng papel
Ito ang patalim
Ito ang salarin
Hospital bill.
*halaw sa balitang nagpatiwakal ang isang lalaki matapos makita ang kanyang hospital bill