Magbalikwas

Ni GODFREY J. DUNQUE

Edukasyon ang solusyon,
Pero bakit isa nalang itong ambisyon
Sa mga kabataang naghahangad ng propesyon
O di kaya’y isa itong malaking imahinasyon.

Kabataan ang pag-asa ng bayan,
Susi tungo sa maunlad na pamayanan
Bayan na puno ng kayamanan
Pero iilan lang ang nakikinabang.

Pamaraan na dapat isaalang-alang,
Sa mga kabataang naghahanap ng katarungan
Para mapaunlad ang ating kasarinlan
Tungo sa demokratikong kalayaan.

Alam nating lahat na maraming pulitikong kurap,
Dahil sa pork barrel sila nahaharap
Marami sa ating mga kababayan ang nagtitiis sa hirap
Ngunit ang mga pulitiko ay laging nagpapasarap.

Mga Pilipino na uhaw sa hustisya,
Sa gutom tayo ay nag-dusa
Mga kababayan tayo na’t mag-alsa
Dahil walang pagbabago sa ating sistema. (https://www.bulatlat.com)

Share This Post