Tatay

Ni Glen Sales
Bulatlat.com

Hinihintay ng anak ang kanyang tatay.
Tulad ng nakasanayan.

Bubuhatin na naman siya ng kanyang tatay
At sasabihing nakawawala ka ng pagod
Sa maghapong pagtratrabaho mula sa itinatayong gusali.

Salamangkero na naman ang tatay
Dahil sa iba’t ibang pasalubong
Tulad ng kendi, palobo at tinapay
Na lumalabas sa kanyang bulsa.

Ngunit ngayon, walang tatay na dumating.
Sa halip, may kung anong sumapi sa kanyang asawa
At pigil ang iyak habang hinahabol ang oras.
Taliwas ito sa inaasahan ng anak. (https://www.bulatlat.com)

Si Glen Sales ay aktibong kasapi sa Angono 3/7 Poetry Society. Ang ilan sa mga tula ay napasama na sa Liwayway, Makata Online Poetry Journal at Ani Journal 38 ng Cultural Center of The Philippines.

Share This Post