ROOT ACCESS
Rick Bahague
Bulatlat.com
Isang dekada na ang Ubuntu. Sa karaniwang computer at internet user, bago sa pandinig ang operating system na GNU/Linux at Ubuntu. Gayunpaman, mahigit 36% ng mga web server na nagpapatakbo ng internet ang pinapatakbo ng GNU/Linux. Ginagamit rin ito ng maraming malalaking kompanya. Ito ang salalayan ng imprastruktura sa sikat na social networking site na Facebook at twitter at ng higanteng search engine na Google. Isinisagawa ang ating kalakhan ng ating komunikasyon sa internet sa mga imprastrukturang nakasalalay sa GNU/Linux.
Ang lagi nang itinatanong, handa na nga ba sa karaniwang gumagamit ng desktop ang GNU/Linux? Tunghayan natin sa mga susumusunod na talata ang pinakabagong version ng Ubuntu GNU/Linux.
Ano ang GNU/Linux?
Hiwa-hiwalay na software o proyekto ang bumubuo sa operating system (OS) na GNU/Linux. Libu-libong boluntirs, advocates, mga kompanya at interesadong mga grupo at indibidwal ang tila mahikang nagkakasundo upang mabuo ito. Koleksyon ng software applications, libraries, developer tools ang GNU (GNU is not Unix). Kadalasan, Linux ang ginagamit na kernel kaya tinatawag ang buong OS na GNU/Linux. Mahalaga ang kernel. Ito ang pangunahing nakikipag-usap sa hardware ng computer at nag-sasaayos ng mga rekurso nito upang tumakbo ang buong computing system. Si Linus Torvalds ang nangunguna sa pagpapa-unlad ng Linux kernel habang pinapaulad rin ng mga boluntirs ang modernong kernel na Hurd.
Kilalang GNU/Linux distribution na ginagamit sa mga desktop ang Ubuntu GNU/Linux o Ubuntu. Sa isang distribution, maliban sa GNU/Linux system idinadagdag ang iba pang mga applications na nagpapadali ng pang-araw-araw na paggamit ng computer. Halimbawa, inilalagay ng mga distribution ang Office Suite, Internet browser, Instant messengers, Photo Managers, Encryption tools, Image Manipulation tools at marami pang iba. Sa Ubuntu software repositories ngayon, mayroon itong 60,822 packages na maaaring magamit ng mga users.
Ubuntu Utopic Unicorn
Bago pa man naisipan ng mga proprietary operating system tulad ng Mac OS X na ilabas ang kanilang pinakabagong bersyon sa online, matagal nang ganito ang moda upang makakakuha ng bagong mga GNU/Linux distribution. Partikular sa Ubuntu, matatagpuan ito sa ubuntu.com (http://www.ubuntu.com/download/desktop). Dalawang release sa bawat taon ang ubuntu, tuwing Abril at Oktubre. Mayroon itong Long Term Release (LTS) na patuloy na ina-update para sa mga bugs at features. Ibig sabihin, kung gagamitin ng opisina, maaaring isang operating system lang ang gamitin hangga’t buhay ang makina – at ito ay maaaring ma-update mula internet.
Tinatawag na Utopic Unicorn ang pinakabagong release na Ubuntu (14.10 – naka-format na YY.MM). Kung ihahambing sa naunang release noong Abril, walang gaanong pinagkaiba ang dalawang bersyon na ito.
Installation
Ubuntu ang isa sa pinakamadaling distribution na i-install.
Maaari din piliin ang Tagalog na lenggwahe sa pag-install nito. Kadalasan, ang simpleng pag-pindot ng “Next” ay maaayos na maglalagay nito sa desktop o laptop.
Kung walang problema sa pag-install, ang screen na sa ibaba ang hudyat na tapos na ang pag-install ng Utopic Unicorn.
Utopic Unicorn Desktop
Simple at moderno pa rin ang desktop environment ng Ubuntu. Gumagamit pa rin ito ng Unity Desktop Environment.
Upang mapuntahan ang maraming application nito, pindutin lamang ang Ubuntu icon sa kaliwa. Ito ang nagsisilbing “Start” button katulad ng matatagpuan sa Windows desktop.
Desktop programs na agad magagamit
Kaiba sa popular na Windows operating system, kasama na sa pag-install ng Ubuntu ang mga applications tulad ng LibreOffice Office Suite, Firefox Internet Browser, Cheese webcam program, backup tool, mga laro, at maraming pang iba. Kumbaga, pag-install ng OS mayroon na agad ito kasamang mga applications.
Mayroon din itong mas mahusay ng file browser. Bago pa man ang tab feature ng Mac OS X, matagal na ito sa nautilus file browser.
Mga desktop programs na maaaring idagdag
Pagka-install ng operating system, magandang maidagdag rin ang mga sumusunod na programs: truecrypt para sa encryption, at wine upang magpatako ng mga supported windows program.
Bago pa man pinasikat ng Apple ang App Store, matagal na ang konseptong ito sa mga GNU/Linux distribution. Sa simpleng mga command na apt-get, rpm at yum, ibubulaga nito ang maraming applications sa mga users. Gayunpaman, pasalamat sa magandang interface ng App Store, kayat nagkaroon rin ng mahusay na interface ang apt-get.
Iba pang bentahe ng Ubuntu GNU/Linux
Madalang ang mga computer viruses na ginagawa para sa OS na ito. Hindi rin nangangailangan na mag-defrag upang mapabilis ang performance. Basta’t nakakabit sa internet, libreng na-update ang mga software programs nito.
GNU/Linux at Free Software Movement
Isang Free/Libre Software ang GNU/Linux. Ang mga katulad nito ay (1) maaaring gamitin sa iba’t ibang pangangailangan; (2) may kalayaan ang mga user na pag-aralan ang buong software, na nangangahulugan ng access sa source code (open source) nito; (3) may kalayaan ang mga user na ipakalat ito o i-redistribute, tinatawag itong piracy ng Microsoft, Adobe, at iba pang nasa Business Software Alliance; (4) ang anumang pagpapa-unlad ng software ay hinihikayat na ibalik sa buong komunidad ng mga user at developer.
May kilusan rin ang mga advocates at developers sa Free Software. Dito hinihikayat ang tulungan at kooperasyon. Nakikilala ang sinuman sa pamamagitan ng aktibong paglahok sa mga proyekto – sa iba’t ibang aspeto nito – maaaring sa aktwal na development, dokumentasyon, pagsasanay, at iba pa.
Malapit na ang 2015, lagi pa rin problema ang mga computer virus?
May pagtingin ang karamihan na para lamang sa mga geeks at nerds ang GNU/Linux. Sa ilang taon na hinihikayat ng CPU ang iba’t ibang organisasyon na gumamit nito, may katigasan ang karamihan na sumubok nito. Samantalang iilan lang naman sa mga user ang may kakaibang gamit sa kompyuter na mahirap maisakatuparan sa GNU/Linux. Kaya’t kahit nga taong 2014 na, ang problema pa rin ng mga kompyuter nila ay computer virus – na ang lagi-laging tugon lamang ay: i-backup ang data at i-reformat ito.
Sa 2015, sana maging bukas pa ang karamihan sa paggamit nito.
Hindi mainam na marinig o mabasa ang “capitalism and consumerism” and una at huling dahilan bakita mabagal at mahirap maging “mainstream” ang mga kagaya nitong Ubuntu.
Taong 2008 ng una naming inumpisahang gamitin sa dalawa naming laboratoryo at pati sa library ang Ubuntu.
Kung puspusan at tuloy-tuloy ang pagpapa implement ng Anti-Piracy law, mas madami ang susubok gumamit ng Ubuntu (Mint, Lubunty, etc.) at LibreOffice.
Ngunit, pinabayaan ng Microsoft at ng mga ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad nitong IPR, ang pangkasalukuyang lantarang pag install ng mga piratang kopya ng MS Windows at MS Office – sapagkat ito ay isang paraan na masanay ang mga kabataan na gumamit ng kanilang produkto.
Bagamat may ilan na akong alam na State Universities na pumiling gumamit ng nga kagaya ng Ubuntu, kailangan parin natin siguro ang isang “State Policy” na huwag bibili – taxpayers money ang gamit – ng ano mang OS o applications na may katapat na bersiyon na walang bayad, ang mga ahensiya ng pamahalaan.
Kultura din ang isang hamong sa malaganapang paggamit ng mga FOSS, sapagkat malungkot mang ulitin, okay na okay sa maraming Filipino ang gumamit ng pirata – kahit na ulit-ulitin ko na isang uri din ito ng pagnanakaw. Kuluturang nasanay sa kibit-balikat at ngiti kapag “maliitang” pagnanakaw ang ginagawa, kasi, “hindi naman ako lang.”
I think every school should have this OS particularly in third world countries.
Reliable and free OS. The ultimate Computer Science platform.