Ngiti

Isa akong babae na kailangang
lumimot sa bawat
paglisan. Tiisin ang anak na
maliit, ngumiti, sapagkat binili ng
amo ko ang aking katawan. Tulad ng
aking mga mata na hindi dapat gamitin sa
pagngiti sa aking mga mahal sa buhay,
kung hindi panipat sa mga piyesa sa assembly line.
Gayundin ang aking mga kamay na
hindi panghaplos sa may sakit na anak, kung hindi
tagabuo ng motherboard ng computer.
Binili ang buong katawan ko bukod sa
aking puso, na kasinglaki ng aking
kamao. Kamao na nagpupumiglas
basagin
ang ngiting ito.

Ni TRINA FEDERIS
(https://www.bulatlat.com)

Share This Post