Selfie

GUNITA NG SALITA
Ni ROLAND TOLENTINO

Bulatlat.com

Selfie ang piniling salita ng taon ng guardian ng wikang ingles, ang Oxford Dictionaries. Ang lumalabas na pag-unawa at katangian nito ay: sariling kuha’t upload ng sarili sa mga social network site.

Indikatibo ang selfie ng isang narisistikong proyekto, ang proyekto ng pag-angat at preserbasyon ng sarili. Inaangat ang sarili sa lebel ng purong ethereal: ang virtual na mundo, temporal na ina-upload at ginagawang profile pix o anunsyo sa isang kaganapan. Preserbasyon din ito dahil reiteratibo ang pagkuha’t upload ng selfie—walang katapusang pagtatangka ng ideal pero dahil parating pinapalitan, pagsasaad na ang ideal ay isang malayong fantasya.

Performatibo ang selfie, ang itinatanghal ay ang sarili sa iba’t ibang dimensyon: masaya, malungkot, nag-iisa, may kasama, emo, romantiko, nagmumuni, sexual, at iba pa. Isang tao—ang index ng lahat ng selfie—at multiplisidad na kopya sa multiplisidad na posibilidad ng karanasang pantao ang inilalahad ng selfie.

Inaakalang nakapakat ang sarili sa bawat selfie gayong ito ay anino ng imahen lamang:  anino dahil kasunod kahit pa pusyaw at lalim lang ng dilim ang humuhubog ng hugis ng imahe, at imahen dahil ito ay patungkol sa inaakalang muhon ng sarili.  Pero dahil anino ito, ang makakaaninag lang ay ang kumuha't nag-upload nito.  (Kuha ni Roland Tolentino / Bulatlat.com)
Inaakalang nakapakat ang sarili sa bawat selfie gayong ito ay anino ng imahen lamang: anino dahil kasunod kahit pa pusyaw at lalim lang ng dilim ang humuhubog ng hugis ng imahe, at imahen dahil ito ay patungkol sa inaakalang muhon ng sarili. Pero dahil anino ito, ang makakaaninag lang ay ang kumuha’t nag-upload nito. (Kuha ni Roland Tolentino / Bulatlat.com)

Ang self sa selfie ay di stable na index. Kaya nga nababago ang pagtatanghal nito kahit pa pa-kawaii (cute), misteryoso, hayok, pervert o wacky ito ay dahil hindi permanente ang sarili o hindi pinipili ng sarili na maging permanente o stable. Kung stable kasi ang self, hindi na nito kailangan ng mini-self, reflective self, at iba-ibang permutasyon ng self, ang mga selfie.

Kung gayon, ang bawat kopya ay pagkanulo sa imperfeksyon ng self, kung bakit ito mga dimensyon, aspekto, isyu o imperatibo ng imahinaryo ng buong self. At hindi tulad ng prism na kayang i-deflect at i-illuminate ang mga kulay ng ilaw, ang selfie ay purong defleksyon ng hindi maiilawan, hindi makukumpleto, hindi mabubuong sarili. Ito ay always already wazak, mga tibo sa nabasag na baso’t salamin na hindi kaya muling bumuo ng hindi nabasag na bagay.

Sa ibang mga panlipunang relasyon, may dalawang partidong kalahok sa kaganapan: adviser-advisee sa thesis, mentor-mentee sa pagtuturo, caller-callee sa phone calls. Ang selfie ay nagsasaad ng fantasya ng imahinaryong relasyon sa sarili. Paano magkakaroon ng relasyon ang sarili sa isang wazak na entidad, ang etherealidad ng sarili?

Kung narsisistiko ang selfie, ang love affair ay misnomer din dahil walang kapasidad magmahal sa wazak na sarili ang sarili. Ang proyekto ng sarili ay fetishistikong reproduksyon ng isang imahen ng inaakalang itinatanghal—iniibig sa imposibleng maibig—na wazak na sarili. Nagkakaroon lang ng panlipunang halaga (social value) dahil walang nakakabasa nito sa pagtunghay sa selfie. Paano ka tutunghay sa selfie na produktibong reproduksyon ng di-produktibong bagay kung ikaw mismo ay manufacturer at repositoryo rin ng selfie?

Ang iniibig sa selfie ay ang abstraksyon ng sarili sa konkretisasyon ng sarili sa katawan ng kapital at kapitalismo. Hindi naman makakakuha, makaka-upload, makakapag-post, makaka-like kapag wala kang finansyang pambili at pambayad ng kamera, kompyuter, internet, at iba pa? Ang selfie na nililikhang abstrakto ng kapital ay nililikhang instrumental ang sariling mukha’t katawan sa konkretisasyon ng kapital: nagsi-circulate 24/7, may temporary komersyal run sa social networks, may gratifikasyon sa pagkuha ng likes at komento, nagpapakita sa ads at sa stocks ng social network sites.

Sa selfie, ang inaakalang pagmamahal sa sarili, ang pagkaaligaga sa preserbasyon at konserbasyon nito, ay reiteratibong akto ng pagmamahal sa kapital, at ang konkretisasyon nito sa kapitalismo. Cheers sa selfie, at ang admisyon ng pagkawala ng mga sarili sa tunay na mundo. (https://www.bulatlat.com)

Share This Post

One Comment - Write a Comment

  1. Selfies are primarily the domain of a middle class population that have privileged access to these new technologies….

    But the lack that the petty bourgeois seeks to fill can never be occupied as long as it is tied to the endless consumption of an excess of overproduced commodities that are continually marketed by global corporate monopolies.

    The American dream remain out of reach regardless of their exertions. Without any firm convictions or visions of a systemic alternative to guide them, the middle classes see the self as consuming subject as the only guarantee of existence.

    From which vantage point was the photo taken from? For whom is it intended for? Every photograph is an expression of a particular way of seeing.

    With the advent of modernity in the 19th Century, we had Descartes’ cogito as the rational modern subject. “I think therefore I am.” Today this has been replaced with “I consume therefore I am.”

    Lacking any solidarity to the oppressed and exploited peoples movement for systemic change, selfies as the image of this consuming subject are all that remain in the desert of the real.

    http://karlomongaya.wordpress.com/2013/07/13/selfie-the-individualist-lens-of-consumer-society/

Comments are closed.