Hatian ng mga kawatan

Ni MARK ANGELES
Bulatlat.com

ngasab-ngasab ni napoles
baboy na sinlaki ng bariles
parte-parte ang mga putris
na manggagatas sa Batasan at Senate
pero nakareserba ang san-trak na biik
sa panggulong may alyas na BS..

kontra-korap ang press release
gayong numero unong mang-uumit
ay, bayan kong sakdal-tiis
may araw ring maghihimagsik

(https://www.bulatlat.com)

Share This Post