July 23, 2014     Philippines
Support alternative journalism. Donate to Bulatlat.com.

June 29, 2013
Ikaw ang aking dula (Sa aking kabiyak)

Ni Edwin Quinsayas
Bulatlat.com

paulit-ulit kong kinakatalik
png ‘yong mga pahina
buong pananabik
hinahagkan ko ang init
ng ‘yong simula

aghahabulan ang aking mga daliri
pinapasok
ang ‘yong katawan
sinasaliksik ang bawat linya
bawat pananda
bawat titik;
nais kong magtampisaw
maliyo
sa nagsalabat mong damdamin
lasapin ang ‘yong trahedya
mahibang sa ‘yong ligaya
maligaw sa ‘yong pakikipagsapalaran
umawit sa ‘yong paglalakbay
sumayaw
sa ‘yong pagmamahal
sa buhay, sa kapwa;

maingat
tinatalos ko ang bawat kataga
masugid
kinikilala ko ang bawat tauhan
ikaw
ang pirmi kong bayani
magiting na tagapagligtas
ikaw
ang kinahuhumalingan kong salarin
nagbibigay kabuluhan sa salitang
tagumpay

umaalimpuyo
nilalasap natin
ang tamis ng tagisan
binubuno ang mga balakid
pinupunan ang mga patlang

ikaw ang rurok
na di ko pagsasawaang akyatin
sa ‘yo ang wakas
ng matagal kong pangungulila

ikaw ang may-akda
ng imortal kong pag-ibig (http://bulatlat.com)

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
CATEGORIES
* Latest PostsnamePoetry
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

Comments are closed.

BROWSE BY SECTION OR SUBJECT ››

Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples

Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads

ON THE FRINGES (BULATLAT STAFF BLOG) ››