May 23, 2013     Manila, Philippines
Support alternative journalism. Donate to Bulatlat.com.

February 20, 2012
Guho 6.5

Ni Glenn Ford B. Tolentino
Bulatlat.com

Niyayanig ng tigatig itong aming pananalig
Pagkaraan ng orasyon-ritwal ng lumang kahapon,
Ngayo’y pinaghihiwalay ng Langit; ang lupa’t tubig.

Pumusyaw ang dasal-alay sa dambana ng alawig
Nang mangabasag ang santo sa templo ng Panginoon,
Niyayanig ng tigatig itong aming pananalig.

Pagkat mga puso’y karbong nangitim sa halumigmig
Ng romansa at titig sa kahubdan ng daigdig—
Ngayo’y pinaghihiwalay ng Langit; ang lupa’t tubig.

Bumalikwas sa daluyong na atas ng ligalig,
Mangaglimi at umawit—habang nagalaw ang along
Niyayanig ng tigatig itong aming pananalig.

Kung ito ang nasa’t plano ng Dakilang-Mang-uusig
Tanggapin ang pasya’t hatol na madugong rebolusyon,
Ngayo’y pinaghihiwalay ng Langit; ang lupa’t tubig.

Kalkulado ang pagguho sa mga bagay at tao
Batid Niya ang hanggahang Imperyalismo’t Impyerno.
Niyayanig ng tigatig itong aming pananalig,
Ngayo’y pinaghihiwalay ng Langit; ang lupa’t tubig.

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
CATEGORIES
* Latest PostsnamePoetry
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Sponsored Links
Sandaler
Prom Dresses
Dresses
Bröllopsklänningar
Cheap Android Tablets
China Wholesale
Robe De Bal

BROWSE BY SECTION OR SUBJECT ››

Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples

Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads

ANALYSIS AND OPINION ››

ON THE FRINGES ››