Pitik bulag

Ni Simoun Garyo Ilag

Nang maisip mo nang umalis at mangibangbayan
Duon magtrabaho at makipagsapalaran
Titiisin ang lungkot sa pamilyang iiwanan
Kumita ng dolyar sa pagisilbi sa dayuhan.
Sapagkat sa tingin mo kung mananatili ka rito
Mamumuhay sa gutom at hindi aasenso
Magkaroon ka ba naman ng manhid na gobyerno
Na hindi inaalantana paghihirap ng tao.
Kahit nagsisikap ka at isang diplomado
Ay hindi uubra at hindi eepekto
Problema mo pa’y paghahanap ng trabaho
At kung palarin ka nama’y mababa ang suweldo.
Ang tanging ugat ng suliraning ito
Ay ang pamahalaang mapanlinlang at di makatao
Sa maliit na halagang hinihinging umento
Ay nagbubulagbbulagan at ibiniga’y pakunswelo.
Paano ba naman kasi ang s’yang pinapaburan
Ang mga negoyante’t maimpluwensyang mayayaman
Santambak ang kompromisso at ganansyang tinatanggap
Kaya’t mamamayan ang nagdurusa. Ayon naghihirap!

Share This Post