Soneto sa Anino

Ni RICHARD GAPPI
Bulatlat.com

Alkansaya ka kung saan isinusuksok
Mga larawan ng ligaya at lungkot
Habang may awit nang tila nabubulok
Halimuyak sa akin kung diwa’y lugmok.

Dahil anino kang kambal at kasalo
Kung kaya ako ngayo’y nagiging tao
Itim sa puti’y tingkad sa pagkatao
Puti sa itim madaling natatanto.

Kung ang bayan walang ipon sa alkansya
Walang kalansing na magpapaalala
Lalupa’t himbing ang mga alaala
Dahil minanhid ng trabaho’t ganansya.

Kung walang anino, sa umpisa’t dulo
Naglalakad tayo na pugot ang ulo.

Share This Post