Sponsored Links
Tera Gold
Dresses
Diablo 3 Gold
China Wholesale
Bluetooth Headset
Fashion Bridal Dresses
HOME     |     LATEST STORIES     |     OPINION & ANALYSIS     |     SPECIAL REPORTS     |     MULTIMEDIA     Video     Slideshow     Audio/Podcasts     Webcasts
May 27, 2012
Manila, Philippines
Support progressive journalism.
Donate to Bulatlat.
SLIDESHOW Women slam Aquino’s inaction on price hikes
VIDEO On Labor Day, Workers call on Aquino to implement pro-people policies
STREET SHOOTER
Street Shooter: Sunrise at Sunset
SALUNGGUHIT Salungguhit: The face of poverty and struggle
PHOTO OF THE WEEK
Photo of the week: Weight-lifting
TOP STORIES
GPH set to terminate peace talks with NDFP next year – NDFP’s Agcaoili
Dismissed union leaders ask RMN to be true to its branding
Suspect in abduction of Jonas Burgos shows no proof of alibi
OPINION
People’s lawyering goes a long way back in history
Intensive care
Crowning revelation
MUST-READS
KMP warns vs loopholes in SC decision on Luisita distribution
Anti-mining campaign gaining ground in Ilocos
Five years of searching for Jonas Burgos
BROWSE BY SECTION OR SUBJECT
Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples
Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads


Media at Pambansang Wika

Published on September 6, 2010

Ni Roland Tolentino
Bulatlat.com

Media ang pangunahing daluyan ng pambansang wika, o ang popular nitong bersyon, kolokyal na Tagalog, Filipino at Taglish. Maliban sa evangelical na palabas na nagbibigay-aral at nanghihimok ng kumbersyon sa ingles, ang kalakhan ng free channels sa telebisyon ay gumagamit na nitong Filipino.

Dati ay primetime telebisyon lang ang gumagamit nito. At simula ng pinakahuling balita sa gabi, lahat ay bumabalik sa ingles, lalo na ang news magazine shows. Pero nahigop ito ng Filipino, lumawak ang oras at palabas na tinaguriang “primetime,” at kung gayon, mas maraming oras ng advertisement na pinagkakakitaan ng may-ari ng kompanya.

Magkabilang pisngi ng iisang mukha ang telebisyon bilang lunduyan ng pagpapalaganap ng pambansang wika. Sa isang banda, ito na ang nakakapagpaunlad ng kontemporaryong Filipinong kauna-unawa sa buong bansa. Ang kalakarang hindi kayang ilehislatura o isabatas hinggil sa pambansang wika ay naisasakatuparan na ng popular na media.

At hindi nag-iisa ang telebisyon bilang pangunahing disseminator ng wika. Lahat ng AM stations sa radyo ay gumagamit ng Filipino at mga wikang bernakular. Ang FM stations ay kinakailangan ding gumamit ng Taglish kaysa ingles na may twang at slang dahil masyadong nae-alienate ang tagapakinig, lalo na ang Amerikanong tagapakinig kapag ang DJs ay “pretend” (nagpapanggap na American native speaker).

Ito na rin ang nagsisiwalat ng isang Filipino ingles na binibigkas. Walang American twang, tadtad ng idiomatikong expresyong pidgin o kakatwa lang sa Pilipinas, at may rekurso sa Taglish bilang performatibong wika ng gitnang uring tagapakinig ng FM station. Ang umuunlad na pinapakinggang Taglish ang siyang benchmark ng isang wika aspirasyonal para sa mababang uri na kahit man lamang ito—halong Tagalog at ingles—ay makayanang maabot, at sa mataas na uri para makapagkomunikasyon sa sirkulo ng iniinugang mababang uri, tulad ng kanilang katulong, driver, watch-your-car boy, nagbebenta ng sampaguita at yosi, at iba pa.

Ang umuunlad na wika ay pragmatikong wikang kolokyal. Nasasapol nito ang aspirasyonal na layunin ukol sa komunikatibong operasyon sa bansa. Na ang abang uri ay maari ring umangat—at the very least, maging call cente agent—kung makikinig lamang ito ng Taglish sa popular media, mga bagay na hindi niya lubos na matutunan sa akademikong kalakaran na purong Filipino o purong ingles lamang.

At ang mataas na uri ay maaring magkaroon ng reli (relevance) sa kinakausap na abang uri, dahil marahil sa kauna-unahang pagkakataon, may nauunawaang popular na wikang pinaghahalawan ang kumakausap at kinakausap. Para itong wika ng popular na pelikula, kahit mamilipit na ang mga karakter—na ginagampan ng pinakabatikang batang artista—na magdiretsahang ingles, nakakapanghimok pa rin ang wika ng aspirasyonal na lifestyle choice: edukasyon, career, pag-ibig, pamilya at gitnang uring buhay.

Na kahit nga abang uri ang mga tauhan at naratibo ng mga pelikulang popular, sa pamamagitan ng gitnang uring panuntunan, ang punto-de-bista at pagpapahalaga ay maglilikhang hindi nakikita at natutunghayan ang materialidad ng abang uri. Tanging ang aspirasyon ng gitnang uri ang tumitingkad. Kaya ang ordinaryong assistant sa isang advertising company na babae ay mai-inlove sa kanyang masungit na boss, at mai-inlove gamit ang wikang Taglish.

Sa internet, sinasabing ang sites na sa Filipino at bernakular ay mas maraming trafiko at hits kaysa sa sites sa ingles. Umaariba na ang kolokyal na pambansang wika, at ang panuntunan ng gatekeepers ng ofisyal na wikang pambansa ay, sa pangunahin, nakasentro sa usaping standardisasyon (baybay, panunumbas na kahulugan, gamit sa pangungusap, at iba pa).

Sa kabilang banda, sa mas pragmatikong usapin, ang pagpapalaganap ng media ng kolokyal na pambansang wika ay hindi naman dahil sa pagmamahal ng una sa huli. Mas atas pa ng pangangailangan ng higit na kita ng media—isa sa mga huling negosyong nilinaw ng Konstitusyon na para sa mga Filipino lamang—ang motibasyon ng pagtangkilik ng negosyong media sa wikang pambansa.

Narinig kong magsalita ang mga artista sa “The Buzz,” isang showbiz talk show. Si Shaina Magdayao ay nagpapaliwanag kay Boy Abunda hinggil sa pang-aalipustang siya ang dahilan ng pagka-setback sa career ni John Llyod Cruz. Ewan ko kung tipong inaabot ni Shaina o Gerard Anderson—na nagpapaliwanag naman sa korte ng popular na publikong opinyon hinggil sa paghihiwalay nila ni Kim Chu–ang manonood na kalakhan ay galing sa mababang uri, pero hindi sila makapagsalita ng tuwid na Filipino o ingles.

Ang kanyang rekurso ay paghaluin ito, at ito ang tagumpay ng pag-inhinyero ng media conglomorates sa artista at wika: wala nang nasa labas ng kolokyal na wika, at ang pagpaminta ng ingles sa Filipino ay ang pagsasanib ng higit na aspirasyonal na halaga ng wikang ingles sa Filipino. Hindi rin kakatwa na wikang ingles ang inaakalang literal na magpapayaman sa nagsasanib nito sa wikang Filipino.

Hindi ba’t ingles ang siyang kolonyal na wika, at kasalukuyang tampok na global na wika sa ating insular na mundo? Kahit pa sa boom economies ng India at China at ang pangangailangan ng maraming Filipinong marunong ng wika ng mga ito para sa engagement sa mga bagong global na economic powers, patuloy lamang ang pinupuntirya ng mga Filipino ay ang circuitous na pakikisalumuha via ingles?

Sa madaling salita, pambansang aspirasyon ang kolokyal na pambansang wika. Ang sentral na impetus ay nanggagaling sa pambansang motibasyong makaalinsabay sa globalisasyon, o ang paghahanap ng lokal na idioma sa global na kapitalismo. Hindi ito dumidiretso sa kalakarang global, ang pagpasok sa ekonomiya ng India, China at iba pang umuunlad at mas mauunlad na bansa.

Ang trajektori ng aspirasyon ay tungo sa katagumpayan ng globalisasyon sa pambansang kondisyon: ang higit pang penetrasyon ng global sa lokal. Ang kultural nitong pagsasalin ay nangangahulugan ng mobilisasyon sa pamamagitan ng overseas contract work sa labas ng bansa at call center work sa loob ng bansa. At media ang nagpako ng kasalukuyang estado ng pangarap ng mamamayan.

Ang kahulugan ng paglaganap ng isang kolokyal na wikang pambansa sa media ay nagsaad rin ng nasyonal na agenda: sa pamamagitan ng kolokyal na wikang pambansa makakalahok ang bansa sa kolokyal na globalisasyon. Nananatiling nasa laylayan ang bansa at ang wika nito tungo sa internalisasyon ng globalisasyon. At dahil magpakaganito, tumitingkad ang materialidad ng di-pantay na penetrasyon ng globalisasyon sa buong mundo.

Kung titignan ang diyaryo, malinaw na ang broadsheets—ang lehitimong peryodismo—ay nakasulat sa ingles. Sa mga tabloid, na higit na tinutunghayan ng mas maraming bilang ng ordinaryong mamamayan, ay sadlak sa sensationalismo, ang bulgar at bawal, sexual at bastos, at iba pa. Hindi ba’t ang isinasaad nito ay ang di-opisyal at popular na motibasyon sa kaalaman-kultural na dulot ng tabloid ay tungo sa mismong hindi aangkop sa kinikilalang ofisyal na peryodismo sa bansa?

Kaya ito ang debacle sa wikang pambansa at media na nagpapalaganap ng kolokyal na variasyon nito: ang pinapatingkad ay ang kabalintuan ng di makapantay at makaagapay sa ofisyal na globalisasyon, at ang kasalukuyang tereyn ng kolokyal na wikang pambansa ay nananatiling nasa bulgar, ipinagbabawal, sexual at bastos. (Bulatlat.com)

RELATED CONTENT

Soneto Para Sa Makatang Makabayan

Mensahe sa Magtatapos ng Kursong Peryodismo

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
CATEGORIES
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

Leave a Comment

HUMAN RIGHTS
Groups score continuing rights abuses as Philippines undergoes review by UN body
Rights groups to file complaint vs Aquino administration
Victim files opposition to promotion of military torturers
MIGRANTS
Family questions circumstances surrounding death of OFW in Singapore
Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia
Migrante sounds alarm against illegal deportation of OFW trade union leader from South Korea
LABOR
Violations of workers’ rights, getting worse – rights group
Radio network employees gear for strike against union-busting
Workers call labor department’s order against contractualization ‘a hoax’
NEWS IN PICTURES


Filipinos join protests against NATO in Chicago, US (Photo by Brett Jelinek / Bulatlat.com)

REGIONS
Environmentalists hail Baguio City’s ‘ban’ on SM tree-cutting
Governor hits open pit mining in Bontoc
Mining confab declares: “Philippines is not for sale”
INTERNATIONAL
The End of the End of Austerity We’re All Greeks Now
Globalism’s Perverse Rewards: World’s Apex Bully Leads World Into Lawlessness
European People Have Rejected Austerity Madness: Will the U.S. Get the Message
INDIGENOUS PEOPLES
Advocacy group for indigenous peoples pushes agenda for education
Cordillera Day 2012 focuses on mining and militarization
Killed indigenous leader Jimmy Liguyon’s family continue fight for justice
MULTIMEDIA


Video: Workers slam Aquino’s empty speech on Labor Day

Slideshow: Women slam Aquino’s inaction on price hikes


Slideshow: Workers call on Aquino to implement pro-people policies

ON THE FRINGES
The miracle of breast milk
For Dana Marie
CULTURE
Iggy Rodriguez, the artist as a conscious political being
GLOC-9: Nang magkatinig ang pipi
Performing Alan Jazmines: a reflection on his prison poem
FULL COVERAGE
Wages and Labor Issues
Price Increases
GPH-NDFP Peace Talks
2010 Yearender
Morong 43
Aquino's First 100 Days
Hacienda Luisita
Ampatuan Massacre
Home         Subscribe (RSS or Email)        About Us        Donate         Contact Us         Archive         Advertise with Bulatlat
Copyright © 2009 Alipato Media Center Inc.         Read Bulatlat's Syndication Policy         Web design and hosting by Web Host Philippines