October 23, 2014     Philippines
Support alternative journalism. Donate to Bulatlat.com.

September 5, 2010
Para kay Kasamang Alex: Hindi Kinang Kundi Liwanag

Ni JUDY TAGUIWALO

Marami nang parangal ang naisulat para kay Alex Martin Remollino kabilang na ang mga tula ng pagdadalamhati sa kanyang maagang pagkamatay na mga tula rin ng selebrasyon ng kanyang buhay at pakikibaka.

Naantig ako sa parangal ng isang kasamahan namin sa All UP Workers’ Union sa post niya sa Facebook: “pagpupugay kay kasamang alex.tunay na na kasama sa simulain, matamis ngumiti at silahis ng araw ang bawat ngiti na ipunopukol nya sa amin”.

Sapol nito ang naramdaman ko sa pagpanaw ni Alex sa batang edad na 33 taon. Dahil katulad nang marami sa mga nagmamahal kay Alex na di siya nakasama sa araw-araw na gawain, nakikita ko lang si Alex sa mga pagkilos at sa mga porum at maalaala rin ang kanyang paging palangiti.

Nagkumustahan lang kami sa pagkilos sa Supreme Court noong Agosto 18 kaugnay ng protesta laban sa compromise agreement ng Hda. Luisita. Naroon siya sa Recto Hall noong Agosto 23 sa book launching ni Joi Barrios. Nagngitian lamang. Dahil katulad nang marami sa iba pa, kumportable kong kapalagayang loob si Alex kahit hindi ganoon kalalim ang pagkakakilala sa isa’t isa. Kumportable na kapalagayang loob dahil iisa ang simulain, iisa ang mithiin, iisa ang pinaglilingkuran.

At matapat ang ginawang paglilingkod ni Alex sa pamamagitan ng kanyang panulat: mga artikulo man ito sa bulatlat, mga tula ng pakikibaka at pag-asa, mga press releases para sa Bayan. Matalas ang kanyang paggamit ng mga salita para singilin ang mga nagpapahirap sa bayan. Mapagmahal ang kanyang mga salita para bigyang pugay ang mga nakikibakang anak-pawis.

Nang mabalitaan ko ang kanyang pagkamatay, naisip ko muli ang pag-iiba sa liwanag at kinang na sa pagkaalam ko ay unang ipinag-iba ni Emilio Jacinto. Si Emilio Jacinto na pinagmulan rin ng isa sa tatlong paboritong quotations ni Alex na nakalagay sa kanyang Facebook account: “Life that is not consecrated to a lofty purpose is like a tree without a shadow, if not a poisonous weed.”

Ang kinang at liwanag ang metaporang ginamit ni Alex sa tulang inialay niya kay Monico Atienza: “His Life Was Not Glitter But Light” :

In a nation grown enamored of the glitter of foil,
his life was not glitter but light:
a bright star, steadfast amidst the dark sky and long night
in this “country of our sorrows.”

Alex, mahal na kasama, manunulat at makata ng bayan, sa iyo na iniaaalay ang iyong mga saknong

Sa bayang sinasamba ang kinang ng palara
Ang iyong buhay ay hindi kinang, kundi liwanag
bituing matatag sa gitna ng kadiliman at mahabang gabi,
dito sa “bayan ng ating pighati”

At maidagdag ko, “dito sa bayang ating lubos na sinisinta.“

Sa puso namin, sa puso ng sambayanan nakatayo ang iyong bantayog: Alexander Martin Remollino: matapat na naglingkod sa mamamayan.

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
CATEGORIES
* Latest Posts
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

Comments are closed.

BROWSE BY SECTION OR SUBJECT ››

Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples

Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads

ON THE FRINGES (BULATLAT STAFF BLOG) ››