September 22, 2014     Philippines
Support alternative journalism. Donate to Bulatlat.com.

September 5, 2010
Ngayong Maulang Gabi, Susulat Ako ng Tula ng Dalamhati – Hindi ng Pamamaalam

Ni NOEL SALES BARCELONA

Sa alaala ni Alexander Martin Remollino (Agusto 6, 1977 – Setyembre 3, 2010)

Sa gabing maulan
at nagtatago ang buwan
sa mga alapaap
ay tutula ako ng tula ng dalamhati
subalit hindi ng pamamaalam

sapagkat ang yapos at kilik
ng hanging malamig
na humahaplos sa mga talahib -
kagaya ng mga damo sa kaparangan
kung saan nasaksihan nila ang iyong kadakilaan
ay pagpapaalalang hindi ka lumayo
bagkus, naririyan ka lamang.

at muling makikita ka
sa bawat ngiti at tangis ng masa
sa bawat igik at hagikhik ng balana
sa bawat tangis at ngiti ng sanggol na kalong ng ina
ay makikita kita…

sa bawat demonstrasyon at piketlayn ng obrero at obrera
sa bawat pakikibaka’t pagsulong ng magsasaka
sa bawat gabi ng kapayapaan at digmaan
sa bawat putok ng baril at kanyon dahil sa Digmang Bayan
sa bawat pag-aaral ng galaw at daloy ng lipunan
sa bawat pagkakaisa’t tunggalian
ay makikita kita.

Kaya nga ngayong gabing masinsin
ang patak ng ulan sa aking bubungan
at habang nagtatago ang buwan
sa mga alapaap
ay tutula ako ng tula ng dalamhati
subalit hindi ng pamamaalam

dahil nababatid ko, nababatid kong
ang kagaya mong nagmahal
at umibig nang tapat sa masa at Bayan
ay nagiging imortal
at hindi kailanman mamamaalam –
lagi ka lamang naririyan, nagmamasid
sa bawat tagumpay at kabiguan
ng masang iyong pinaglingkuran.

at ngayong gabi,
habang nagtatago ang buwan
at maging ang nagkikislapang mga bituin
susulat ako ng tula ng dalamhati
subalit hinding-hindi ako sa iyo
mamamaalam at hihintayin kita sa sabana
sa pithaya ng Internasyunal
ay yayakapin kita sa pulang bukangliwayway!

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
CATEGORIES
* Latest PostsnamePoetry
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

Comments are closed.

BROWSE BY SECTION OR SUBJECT ››

Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples

Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads

ON THE FRINGES (BULATLAT STAFF BLOG) ››