July 30, 2014     Philippines
Support alternative journalism. Donate to Bulatlat.com.

September 4, 2010
Pakikiramay at Pagpupugay kay Kasamang Alexander Martin Remollino

Nina Joma at Julie Sison
3 Setyembre 2010

Nakikiramay kami sa pamilya at lahat ng kasama at kaibigan ni Kasamang Alex sa kanyang pagpanaw. Nagpupugay kami kay Ka Alex bilang makabayang aktibista, matatag na rebolusyonaryo, makata ng bayan at mamamahayag.

Kahit na nasa malayong lugar kami, naging malapit kami kay Ka Alex dahil sa aming madalas na lihaman at kooperasyon sa paggawa ng mga interview, mga poetry reading at pagpapalaganap ng mga pahayag at artikulo. Nagkakaisa kami sa diwa, damdamin at pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Maigsi ang buhay ni Ka Alex subalit makahulugan at mabunga. Ang mga ambag niya sa pakikibabaka mananatili at lalago sa pagsulong ng bagong demokratikong rebolusyon ng sambayanang Pilipino. Tularan natin ang maningning na halimbawa ni Ka Alex at ipagpatuloy ang ating pakikibaka!

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
CATEGORIES
* Latest Posts
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

Comments are closed.

BROWSE BY SECTION OR SUBJECT ››

Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples

Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads

ON THE FRINGES (BULATLAT STAFF BLOG) ››