Sponsored Links
Tera Gold
Dresses
Diablo 3 Gold
China Wholesale
Bluetooth Headset
Fashion Bridal Dresses
HOME     |     LATEST STORIES     |     OPINION & ANALYSIS     |     SPECIAL REPORTS     |     MULTIMEDIA     Video     Slideshow     Audio/Podcasts     Webcasts
May 27, 2012
Manila, Philippines
Support progressive journalism.
Donate to Bulatlat.
SLIDESHOW Women slam Aquino’s inaction on price hikes
VIDEO On Labor Day, Workers call on Aquino to implement pro-people policies
STREET SHOOTER
Street Shooter: Sunrise at Sunset
SALUNGGUHIT Salungguhit: The face of poverty and struggle
PHOTO OF THE WEEK
Photo of the week: Weight-lifting
TOP STORIES
GPH set to terminate peace talks with NDFP next year – NDFP’s Agcaoili
Dismissed union leaders ask RMN to be true to its branding
Suspect in abduction of Jonas Burgos shows no proof of alibi
OPINION
People’s lawyering goes a long way back in history
Intensive care
Crowning revelation
MUST-READS
KMP warns vs loopholes in SC decision on Luisita distribution
Anti-mining campaign gaining ground in Ilocos
Five years of searching for Jonas Burgos
BROWSE BY SECTION OR SUBJECT
Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples
Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads


March 8: A Manifesto

Published on March 7, 2010

Kababaihan, Magkaisa! Labanan ang kahirapan at karahasan!

Wakasan ang Rehimeng US-Arroyo!

Isulong ang pambansa demokratikong pagbabago!

PAGKAIN, TRABAHO, SERBISYONG PANLIPUNAN, MABUTING PAMAMAHALA AT PAYAPANG PAMUMUHAY. Ito ang kagyat na panawagan ng kababaihang Pilipino para sa ating pamilya – sigaw sa gitna ng mga pangako ngayong eleksyon.

Sa kabila ng propaganda ng gobyerno na umuunlad ang ekonomya ng bansa, naghuhumiyaw ang katotohanan: TUMITINDING KAHIRAPAN!

Nanatiling walang lupang sinasaka ang masang magsasaka. Paparami ang manggagawang walang trabaho o kulang ang kita. Laksang bilang ang napilitang magtrabaho sa ibang bansa, mayorya ay kababaihan.

Naging permanente ang krisis sa kabuhayan. Patuloy ang pagtaas ng presyo ng batayang pangangailangan tulad ng langis, bigas, asukal, kuryente, tubig, atbp. Masahol pa, pinaboran ng gubyernong Arroyo ang mga dambuhalang korporasyon na nagmomonopolyo.

Para makaagapay sa krisis, kung anu-anong paraan ng pagtitipid ang ginagawa ng kababaihan para mapagkasya ang kakarampot na kita. Sa isinagawang sarbey ng Center for Women’s Resources (CWR), mahigit kalahati ang nagsabing napipilitan silang kumain ng isa o dalawang beses na lamang sa bawat araw.

Kung kapos ang badyet para sa pang-araw-araw na pangangailangan, saan pa kukunin ang gastusin para sa tirahan, pagpapaaral at kalusugan? Inabandona na ng gubyerno ang mga batayang serbisyong at ipinaubaya sa mga pribadong korporasyon para sa negosyo. Kinukurakot pa ang kakarampot na pondo ng gubyerno para sa serbisyo.

Sa tindi ng krisis sa lipunang mababa ang pagtingin sa kababaihan, higit lalong nagiging bulnerable sa karahasan at pagsasamantala ang kababaihang Pilipino.

Nananatili ang ganitong malalang sitwasyon dahil sa pagpapatupad ng gubyernong Arroyo ng mga patakarang maka-dayuhan at anti-mamamayan tulad ng deregulasyon, pribatisasyon at liberalisasyon. Lalong tumitindi ang mga patakarang mapagsamantala sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas dahil sa di-malutas na krisis ng kapitalistang daigdig.

Ang krisis sa kabuhayan ay pinapayungan pa ng terorismo at karahasan. Ito ang sagot ng gubyernong Arroyo. Libu-libong mamamayan – kasama ang babae at bata – ang naging biktima ng paglabag ng karapatan. Ni isa sa mga berdugo ay hindi naparusahan bagkus nabigyan pa ng pabuya.

Pinalaganap ng rehimeng US-Arroyo ang ganitong kultura ng kawalanghiyaan. Tuloy, buong lakas-loob na nag-masaker ang alyado nitong mga Ampatuan ng 58 na tao kabilang ang 21 kababaihan na kalakhan ay inabuso muna bago pinaslang. Ito rin ang nagpalakas-loob sa AFP na iligal na arestuhin at detenihin ang 43 health workers sa Morong nitong Pebrero 6.

Wala na ‘nga yatang kakapal pa sa mukha ni Macapagal-Arroyo. Sa kabila ng pagkasuklam sa kanya ng mamamayan, tumatakbo pa ito bilang kongresista sa Pampanga para maging Speaker sa Kongreso at kalauna’y maging Prime Minister kung maigigiit nito ang charter change.

Marami pang maaaring maganap mula ngayon hanggang sa halalan. Kilala natin ang likaw ng bituka ng rehimeng Arroyo bilang garapal na mandaraya. Hindi malayong hindi matuloy ang eleksyon o ‘di kaya’y magkaroon ng failure of election lalo pa’t ang palyadong automated election system ay ipatutupad sa kauna-unahang pagkakataon. Kapag nagkagayon, maaaring manatili sa poder si Macapagal-Arroyo.

TAMA NA! SOBRA NA! Ito ang sentimyento ng kababaihan at mamamayang Pilipino. Hindi na dapat magtagal ang rehimeng patuloy na nagpapahirap at nandarahas sa kababaihan at bata.

Magpapatuloy ang malakas na kahilingan ng kababaihan at mamamayan na magkaroon ng tunay na pagbabago. Hindi sagot ang eleksyon para lutasin ang mga suliranin ng mamamayan. Pambansa-demokratikong pagbabago ang ating hinahangad at ipaglalaban: tunay na repormang agraryo na tutugon sa interes ng magbubukid na magkaroon ng sariling lupang sinasaka at pambansang industriyalisasyon na layon ang pagpapaunlad para sa mamamayan at hindi sa dayuhang monopolyo.

Makakamit lang ang tunay na pagbabago sa isang lipunang may demokrasya at paggalang sa karapatan ng lahat anuman ang kasarian, paniniwala at katayuan sa buhay.

Upang makamit ito, kinakailangang kumilos ang kababaihan kasama ng sambayanan. Buhay natin at ng ating pamilya ang nakasalalay. Kinabukasan ng susunod na salinlahi ang nakataya. Hindi tayo dapat magsawalang-bahala.

Sa militanteng tradisyon ng Marso 8, isulong natin ang pambansang demokratikong pagbabago, ang tanging kalutasan sa walang patid na krisis ng kagutuman, kawalan ng trabaho, kakulangan sa serbisyong panlipunan, korapsyon, paglabag sa karapatang pantao at karahasan laban sa kababaihan at bata.

Labanan ang krisis at pandarahas!

Biguin ang mga pakana ng gobyernong Arroyo na manatili sa poder!

Isulong ang pambansang demokratikong pagbabago!

Ang Datos ng Katotohan:

·24% o 4.4. milyong kabahayan o 26.4 milyong Pilipino ang nakararanas ng kagutumunan (Disyembre 2009, Social Weather Survey)

·7 sa bawat 10 magsasaka ang salat sa lupa; aabot ng 30 milyon ang wala at kulang ng trabaho;

·Mahigit kalahati sa 8 milyong migranteng Pilipino ay kababaihan

·7.1% ang tinaas ng presyo ng pagkain at iba pang pangangailangan

·P252.46 sa bawat Pilipino bawat taon o 70 sentimos lamang bawat araw ang para sa kalusugan sa badyet 2010

·Para sa 2010, 3.7 milyon bahay ang pangangailangan, 500,000 sa Metro Manila ngunit ang badyet lang sa pabahay ay P3.5 bilyon lang

·5.6 milyong batang edad 6-15 ang out of school youth (schoolyear 2007-2008)

·Isang babae ang biktima ng kaharasan bawat oras

Itinuro ng kasaysayan ng Marso 8 Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis na tanging sa maalab, militante at sama-samang pagkilos ng kababaihan kasama ang sambayanan maipagwawagi ang ating mga batayang karapatan at kahilingan. Ngayon ang ika ? 100 taon simula nang kilalanin ang Marso 8 bilang pandaigdigang paggunita ng Araw ng Kababaihan sa ilalim ng Ikalawang Internasyunal sa Copenhagen, Denmark noong 1910.

Kalakhan ng kandidato sa darating na halalan ay mga tradisyunal na politiko na tanging pansariling interes lang ang kanilang bitbit. Kaya’t dapat nating siguruhin na ipagwagi ang ating tinig sa pagpapanalo ng mga tunay na lider ng masang Pilipino, mga lider na hinubog sa militanteng pakikipaglaban para sa sambayanan. Sa darating na halalan, ipagwagi natin ang mga progresibong party list tulad ng Gabriela Women’s Party at sina Liza Maza at Satur Ocampo sa senado.

RELATED CONTENT

Mindanao People’s Peace Agenda, Reflective of People’s Aspirations – NDFP peace panel

Appeal on the 100th Day Since the Ampatuan Massacre

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
,
CATEGORIES
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

One Response to “March 8: A Manifesto”

  1. Take a Day Off, Join Protest on March 8: Gabriela - Bulatlat Says:

    [...] Related Item: March 8: A Manifesto [...]

Leave a Comment

HUMAN RIGHTS
Groups score continuing rights abuses as Philippines undergoes review by UN body
Rights groups to file complaint vs Aquino administration
Victim files opposition to promotion of military torturers
MIGRANTS
Family questions circumstances surrounding death of OFW in Singapore
Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia
Migrante sounds alarm against illegal deportation of OFW trade union leader from South Korea
LABOR
Violations of workers’ rights, getting worse – rights group
Radio network employees gear for strike against union-busting
Workers call labor department’s order against contractualization ‘a hoax’
NEWS IN PICTURES


Filipinos join protests against NATO in Chicago, US (Photo by Brett Jelinek / Bulatlat.com)

REGIONS
Environmentalists hail Baguio City’s ‘ban’ on SM tree-cutting
Governor hits open pit mining in Bontoc
Mining confab declares: “Philippines is not for sale”
INTERNATIONAL
The End of the End of Austerity We’re All Greeks Now
Globalism’s Perverse Rewards: World’s Apex Bully Leads World Into Lawlessness
European People Have Rejected Austerity Madness: Will the U.S. Get the Message
INDIGENOUS PEOPLES
Advocacy group for indigenous peoples pushes agenda for education
Cordillera Day 2012 focuses on mining and militarization
Killed indigenous leader Jimmy Liguyon’s family continue fight for justice
MULTIMEDIA


Video: Workers slam Aquino’s empty speech on Labor Day

Slideshow: Women slam Aquino’s inaction on price hikes


Slideshow: Workers call on Aquino to implement pro-people policies

ON THE FRINGES
The miracle of breast milk
For Dana Marie
CULTURE
Iggy Rodriguez, the artist as a conscious political being
GLOC-9: Nang magkatinig ang pipi
Performing Alan Jazmines: a reflection on his prison poem
FULL COVERAGE
Wages and Labor Issues
Price Increases
GPH-NDFP Peace Talks
2010 Yearender
Morong 43
Aquino's First 100 Days
Hacienda Luisita
Ampatuan Massacre
Home         Subscribe (RSS or Email)        About Us        Donate         Contact Us         Archive         Advertise with Bulatlat
Copyright © 2009 Alipato Media Center Inc.         Read Bulatlat's Syndication Policy         Web design and hosting by Web Host Philippines