Sponsored Links
Tera Gold
Dresses
Diablo 3 Gold
China Wholesale
Bluetooth Headset
Fashion Bridal Dresses
HOME     |     LATEST STORIES     |     OPINION & ANALYSIS     |     SPECIAL REPORTS     |     MULTIMEDIA     Video     Slideshow     Audio/Podcasts     Webcasts
May 27, 2012
Manila, Philippines
Support progressive journalism.
Donate to Bulatlat.
SLIDESHOW Women slam Aquino’s inaction on price hikes
VIDEO On Labor Day, Workers call on Aquino to implement pro-people policies
STREET SHOOTER
Street Shooter: Sunrise at Sunset
SALUNGGUHIT Salungguhit: The face of poverty and struggle
PHOTO OF THE WEEK
Photo of the week: Weight-lifting
TOP STORIES
GPH set to terminate peace talks with NDFP next year – NDFP’s Agcaoili
Dismissed union leaders ask RMN to be true to its branding
Suspect in abduction of Jonas Burgos shows no proof of alibi
OPINION
People’s lawyering goes a long way back in history
Intensive care
Crowning revelation
MUST-READS
KMP warns vs loopholes in SC decision on Luisita distribution
Anti-mining campaign gaining ground in Ilocos
Five years of searching for Jonas Burgos
BROWSE BY SECTION OR SUBJECT
Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples
Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads


Sampung Kultura ng Sampung Taon ni Gloria Arroyo

Published on January 4, 2010

Ni ROLANDO B. TOLENTINO
Kulturang Popular Kultura
Bulatlat.com

MANILA — Magtatapos na ang ika-sampung taon pagkapresidente ni Gloria Arroyo, at matatag ang kanyang kulturang kontribusyon. Kakaiba ang mga ito sa karanasan ng mga kamakailang presidente ng bansa. Ito ang pinakamasahol na kulturang kontribusyon ng anumang presidente sa kagyat na kasaysayan ng bansa. Lantaran naman ang gamit ng fasismo ng anumang rehimen pero ang kay Arroyo ang naghasik ng pinakabangkaroteng kulturang tahasang ginamit para sa politikal at ekonomiyang ganansya.

Isinilang at nagkamulat ako sa diktaduryang Marcos, na ang ihip ng hangin ay makibaka o tanggapin ang fasistang rehimen di maikubli ng megalomania ng mag-asawa. Si Corazon Aquino ay ginamit ang sariwang mandate para sa kalaunan ng panunungkulan ay ihasik ang kanyang “sword of war” laban sa insureksyon. Si Fidel Ramos, hanggang sa pumutok ang Asian crisis ng 1997, ay nabatak ang pandarambong ng nadanas na pambansang ekonomiyang ganansya. Si Joseph Estrada, na akala ay makakalusot ang ibinuyanyang namang pambababae at pagsusugal bago pa man naging pangulo, ay naghasik din ng kontra-insureksyon at nagpapasok muli ng sundalong Amerikano sa VFA (Visiting Forces Agreement).

Narito ang ipinagkaiba ni Arroyo: sinalansan ang fasismo sa iba pang politikal na pagmaniobra sa kulturang magpapatanggap sa malawakang korapsyon at kahirapan sa isang banda, at ganansyang para sa iilang higanteng negosyante pero nawaring dominanteng aspirasyon ng nakararami. Kung sa panahon nina Marcos, ang kultura ay pandispley sa kapangyarihang politikal, na inetsapwera ni Aquino, at ginawang exportable nina Ramos at Estrada, si Arroyo ay pinanghawakan ang kultura para sa sariling politikal na pagmaniobra nito.

Ito ang itinaguyod na kultura ng komoditi (commodity culture) ni Arroyo, ang higit pang konsumerismo bilang rekurso sa lumalalang krisis na nagpapribatisado sa antas ng individual ng kanya-kanyang paghagilap ng temporal na solusyon sa global na krisis ng kapitalismo at pambansang pagkabangkarote. Kahit na dinudusta, napapaniwala pa rin ang mamamayan sa individual na ahensya. Na sa wika ng Pambansang Alagad ng Sining si Bienvenido Lumbera, “kung bakit astang mayaman si Pedro Mahirap.”

Kultura ng Tunay

Pinatingkad ni Arroyo ang kultura ng buhay ng kapital—na kahit may krisis na nararanasan ang mamamayan at bansa, ang ofisyal na pagtunghay sa kapital ang siyang isinasaalang-alang. Ito ang sinasabing Tunay (Real) na pinagtutuunan ng pansin at abala ang lagay ng kapital kaysa sa lagay ng mamamayan (tunay o historical). Mauunawaan ang distinksyon sa ofisyal na anunsyo sa pambansang ekonomiya: mabuti ang lagay (policies are sound, Philippines can weather the crisis, GNP growth the best in years or to increase compared to Asian neighbors, at iba pa) bilang fokus ng Tunay, samantalang mula sa ibaba, sa batayang hanay, naghihikahos ang pang-araw-araw na buhay ng mamamayan (tunay). Kung gayon, ang kultura ng Tunay, na kawing bituka sa kasaysayan at pag-unlad ng kapital, ang siyang pinagtuunan ng pansin ni Arroyo, hindi ang tunay na kaganapan sa buhay ng kanyang mamamayan.

Kultura ng Reality TV

Reality TV ang pangunahing genre ng popular na television. Dito ay kinakasangkapan ang aktwal na buhay ng willing na kontestants—naglakbay, nag-apply, nagpa-screen, at linggo-linggong nanlalaban para manatili at magtagumpay sa kasamahan—bilang laman ng palabas. Sa isang banda, living vicariously ang reality TV: sa ibang tao (sa televisual na tauhan) binubuhay ang agam-agam ng manonood. Kaya parating ligtas, dahil hindi ang manonood ang aktwal na kumakain ng uod o tumutulay sa manipis na bakal na nakabitin sa ere. Sa kabilang banda, ang televisual na buhay ang nagiging panuntunan ng aktwal na buhay at pamumuhay: paano mag-accessorize, manligaw, ma-in love, kumilos na parang walang surveillance cameras, um-acting na parang walang nagsusubaybay.

Kay Arroyo, ang reality TV ang siyang “un-fun” moments ng kanyang administrasyon: hayagang pagsasabon sa mga ofisyal, “I am sorry” sa alegasyong pandaraya sa eleksyon, pagtawid sa baha ng Ondoy na nakasuot ng makulay na botas, at iba pa. Ang kinahinatnan ay Big Brother na nag-uutos at nagmamaniobra mula sa likuran. Kaya hindi nakikita at natutunghayan dahil ang mga alipores ang siyang humaharap, umaako ng kasalanan, at nililinaw na walang kinalaman si Arroyo. Periodiko ang kaganapan ng alingasngas, tulad sa reality TV, at ang kinakaya ng mamamayan ay ang paisa-isa lamang pagputok ng skandalo hanggang maibsan ng susunod na skandalong nagpapahupa sa mga nauna.

Kultura ng Impunity

Bakas-mode ang impunity: mula sa pinakataas-taasan tungo sa pinaka-nasa ibaba ng food chain ng politikal na kapangyarihan. Walang takot sa parusa ang nasa ibaba dahil hindi naman napaparusahan si Arroyo. Hindi nga umuusad ang anumang kaso ng impeachment sa kanya dahil sa alegasyong nabili na niya ang bulto ng boto para buhusan ng tubig ang bawat paningas. At mula sa kulturang ito ni Arroyo, nagkaroon ng lakas loob ang mga Ampatuan na magmasaker ng pinakamalaking bilang ng peryodista at mamamayan para sa ganansya sa eleksyon, 1,118 politikal na aktibista ang pinaslang sa pinakamarahas at buyanyang na paraan, nauso ang road rage, baril lang ang katapat na uri ng vigilantism, at iba pang lawlessness.

Ang cha-cha (charter change) ay parating nakaabang di lamang para manatili sa kapangyarihan si Arroyo sa parliamentaryong pamahalaan kundi para rin higit pang buksan ang pambansang ekonomiya sa lagay ng dayuhang kapital. Ang mga politiko sa ilalim ni Arroyo ay nakikinabang sa suhol na alok nito para pagtakpan ang baho ng presidente. Malalakas ang loob, kundi man nagkakaroon ng bagong lakas ng loob, dahil walang “loob” (o budhi) ang pinakamataas na posisyon sa bansa. Kaya giyerang patani ang buong bansa dahil ang mag-aayos at magpapatupad ng batas ay siya mismong lumalabag nito.

Pages: 1 2 3

RELATED CONTENT

Mabubuhay Ka sa P41.25 sa Isang Araw, ayon sa National Statistical Coordination Board

Sampung Kalbaryo ng Manggagawa

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
CATEGORIES
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

Leave a Comment

HUMAN RIGHTS
Groups score continuing rights abuses as Philippines undergoes review by UN body
Rights groups to file complaint vs Aquino administration
Victim files opposition to promotion of military torturers
MIGRANTS
Family questions circumstances surrounding death of OFW in Singapore
Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia
Migrante sounds alarm against illegal deportation of OFW trade union leader from South Korea
LABOR
Violations of workers’ rights, getting worse – rights group
Radio network employees gear for strike against union-busting
Workers call labor department’s order against contractualization ‘a hoax’
NEWS IN PICTURES


Filipinos join protests against NATO in Chicago, US (Photo by Brett Jelinek / Bulatlat.com)

REGIONS
Environmentalists hail Baguio City’s ‘ban’ on SM tree-cutting
Governor hits open pit mining in Bontoc
Mining confab declares: “Philippines is not for sale”
INTERNATIONAL
The End of the End of Austerity We’re All Greeks Now
Globalism’s Perverse Rewards: World’s Apex Bully Leads World Into Lawlessness
European People Have Rejected Austerity Madness: Will the U.S. Get the Message
INDIGENOUS PEOPLES
Advocacy group for indigenous peoples pushes agenda for education
Cordillera Day 2012 focuses on mining and militarization
Killed indigenous leader Jimmy Liguyon’s family continue fight for justice
MULTIMEDIA


Video: Workers slam Aquino’s empty speech on Labor Day

Slideshow: Women slam Aquino’s inaction on price hikes


Slideshow: Workers call on Aquino to implement pro-people policies

ON THE FRINGES
The miracle of breast milk
For Dana Marie
CULTURE
Iggy Rodriguez, the artist as a conscious political being
GLOC-9: Nang magkatinig ang pipi
Performing Alan Jazmines: a reflection on his prison poem
FULL COVERAGE
Wages and Labor Issues
Price Increases
GPH-NDFP Peace Talks
2010 Yearender
Morong 43
Aquino's First 100 Days
Hacienda Luisita
Ampatuan Massacre
Home         Subscribe (RSS or Email)        About Us        Donate         Contact Us         Archive         Advertise with Bulatlat
Copyright © 2009 Alipato Media Center Inc.         Read Bulatlat's Syndication Policy         Web design and hosting by Web Host Philippines