Sponsored Links
Tera Gold
Dresses
Diablo 3 Gold
China Wholesale
Bluetooth Headset
Fashion Bridal Dresses
HOME     |     LATEST STORIES     |     OPINION & ANALYSIS     |     SPECIAL REPORTS     |     MULTIMEDIA     Video     Slideshow     Audio/Podcasts     Webcasts
May 24, 2012
Manila, Philippines
Support progressive journalism.
Donate to Bulatlat.
SLIDESHOW Women slam Aquino’s inaction on price hikes
VIDEO On Labor Day, Workers call on Aquino to implement pro-people policies
STREET SHOOTER
Street Shooter: Old and New
SALUNGGUHIT Salungguhit: The face of poverty and struggle
PHOTO OF THE WEEK
Photo of the week: Sidewalk fast food
TOP STORIES
Groups score continuing rights abuses as Philippines undergoes review by UN body
Claims that US will aid Philippines against China just ‘fantasy’
Solidarity mission for victims of military abuses in Agusan del Sur held
OPINION
A plea for plain justice and a dash of humanity
Abused and unused
The Yankees are back
MUST-READS
Anti-mining campaign gaining ground in Ilocos
Five years of searching for Jonas Burgos
Philippines tops list of world’s most disaster-hit countries in 2011
BROWSE BY SECTION OR SUBJECT
Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples
Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads


National Artists at ang Unang Baboy sa Langit

Published on August 30, 2009

Sila man ay kailangan ng mas malalaking aginaldo at regalo. Na ayon sa Corruptionary, isang diksyonaryo ng mga terminong gamit sa korapsyon, ang aginaldo at regalo ay nangangahulugan ng paglalatag ng kondisyong mapabilis ang mga idinudulog sa kapangyarihan. Kung ang elitista ay mayroon nang entitlement, at dahil sa malawakang korapsyon sa bansa na 30 porsyento ng kaban ng yaman ay napupunta sa bulsa ng korap na mayayaman, ano pa ba naman ang ipinagkaiba ng aspirasyong makaangat ng ordinaryong mamamayan?

Parang cellphone, entitlement din ang dahilan ng madalasang nakawan nito: entitlement sa panig ng magnanakaw dahil sa abang lagay ay pinatagos sa kanya na bahagi ang cellphone ng gitnang uring panuntunan at kalidad ng buhay; sa panig ng ninanakawan, na pribadong pag-aari ito, at ang pagnanakaw ay violation sa pribadong pagkataong nagpakahirap para makamit itong marka ng pagiging kosmpolitan at urbanong nilalang. Bukod pa rito, ang murang pasa-load na kahit nangangalakay sa Payatas at nangangariton ng basura ay maaring magkaroon ng temporal na akses sa gitnang uring panuntunan ng buhay.

Nagreregalo ang lahat ng antas ng buhay dahil ito ang tendensiya sa mga sinyales ng pambansang pamunuang di naman itinatago ang mga insidente ng malakihan at maramihang korapsyon. Sa madaling salita, normal at sakto lang ito. Kaya ang buwanang stipend at isang milyong pondo kada taon ng NA—kwalikado o hindi man—ay hindi naman hiwalay sa sariling disenfranchisement at entitlement laban at pabor sa sistema.

Ang basbas ng estado ay naghuhugas sa anumang kasalatan at kalabisan ng kasaysayan ng natakdang national artist. Tulad ng mga napili sa pelikula, halimbawa, na marami ay naging direktor ng anti-komunistang propagandang pelikula na pinondohan ng U.S. State Department, pati na rin sa B-film sub-industry ng Hollywood na sinubkontrata sa bansa, matapos mahirang ang mga direktor, sila na ang ofisyal na itinalaga na artistang nagpayaman ng karanasang makabansa. Abswelto kundi man absolusyon ang pangako ng posibilidad ng pagiging national artist.

“Swinging in both ways” para sa estado at artista ang diskurso ng national artist. Dinadambana sa estado ang national artist, at ang moderasyon sa kritisismo ay patukoy lamang sa presidenteng may prerogatibong namili sa kanila. Hindi rin naman papayag ang national artist na maging trophy boy ng estado, at ang nasyonalistiko (bayan ang humirang) o artistiko (ang kadakilaan ng sariling sining) na diskurso ang itataguyod nito. Pero ang mobilisasyon ng nasyonalistiko at artistikong mga diskurso ay in retrospect na lamang, matapos mapili para sa NAA.

Good boy, bad boy pwedeng maging national artist: rebelde at pacifist, art-for-art’s sake at social realist, figurist at abstractionist, traditionalist at modernist, at iba pa, pasok sa estado. Sa huli, may basbas, at may absolusyon dahil may pagpasok sa diskurso ng estado na magkaroon ito ng prerogatibong kapangyarihan. Part of the game dahil hindi naman magtatapos ang laro ng NAA. Hindi aabot sa endgame.

Kung ayaw ng national artist, bakit di lusawin ang NAA? Hindi naman ganito ang framing ng alingasngas sa kasalukuyan. Ayaw lamang sa pregatibong kapangyarihan, ang pagtapon sa masinop na prosesong kinalalahukan ng peers at ng mga aparatong kultural. Maari bang ganito—ayaw sa prerogatibo, gusto sa proseso; ayaw kina Caparas at Alvarez, gusto kina Manosa, Moreno at Lope K. Santos?

Wala na ngang delicadeza, nasyonalismo at kalabisan dahil lahat ay normal at ‘sakto lang kay Arroyo. Kung gayon, ano ang posisyong maaring katigan sa isyung ito? May kwentong pambata si Rene Villanueva, “Ang Unang Baboy sa Langit.” Ukol ito sa kakatwang biik na gusto ng malinis, ayaw ng dumi at putik, ayaw ng kaning baboy, gustong naliligo araw-araw. Hanggang sa huli ay itinatwa siya ng kapwa baboy dahil hindi normal ang kanyang gawi.

Sa kanyang kamartiran, kung hindi ako nagkakamali sa pag-alaala, naging lechon itong baboy sa paglaki dahil hindi baboy ang baboy kundi ito nagiging lechon. Iprinusisyon ang kanyang imahe bilang pagkilala sa kanyang pagiging unang baboy sa langit. Maaring tignan ang national artist bilang ganitong nilalang. Kakatwa dahil naiiba at abante sa kanilang panahon. Alam nila ang kanilang causa na siya ring causa ng kolektibo.

Kapalaran nilang maging national artist dahil ito ang kautusan ng mas nakakataas na kapangyarihan. Abstrakto man ito sa kwentong pambata, sa aktwal na mundo ng national artist, malinaw ang daluyan ng basbas at realisasyon ng kapalaran. Kapalaran nila na tila isang manifest destiny. Nagiging national artist sila dahil may una at malawakang pangunguna para sa kanilang sining at sangkatauhan (o sangkababuyan sa kaso ng kwento).

Kaya hindi kakatwa na ang panawagan ng Concerned Artists of the Philippines sa isyu ng seleksyon ng national artists ay “Huwag babuyin ang National Artist!” Sa isang banda, paano bababuyin ang matagal na ngang binaboy sa mahabang kasaysayan ng NAA? May ironiya ba sa panawagang huwag babuyin ang baboy, na sa maikling kwento ni Villanueva ay ang kakatwang baboy na nagpakita sa ordinaryong mamamayan ng isang pisngi ng langit?

Sa kabilang banda, ang national artist ba ay isang sagradong entidad na hindi kababoy-baboy? Ang isinasaad ng nabubuong diskurso ng kasalukuyang alingasngas ay hindi santong hinihirang ang national artist. Dahil paano ito hihirangin kung ang kamay na nagpaangat sa status nito ay kamay na may bahid ng putik at dugo? Na ang bawat salatin ay nagiging baboy. Maari bang ipagmalaki ng biik ang baboy nitong ina? (Bulatlat.com)

Pages: 1 2

RELATED CONTENT

awit kina benjamin abalos at mike arroyo

Guho 6.5

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
,
CATEGORIES
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

One Response to “National Artists at ang Unang Baboy sa Langit”

  1. Jack Dasmarinas Says:

    So much have been said about and against foreigners owming our lands but it seems nothing is being done against the literal and actual selling of our land. The 200 thousand metric tons monthly export of soil containing uron and nickel is simply un-nationalistic.

Leave a Comment

HUMAN RIGHTS
Groups score continuing rights abuses as Philippines undergoes review by UN body
Rights groups to file complaint vs Aquino administration
Victim files opposition to promotion of military torturers
MIGRANTS
Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia
Migrante sounds alarm against illegal deportation of OFW trade union leader from South Korea
Migrants, refugees in Europe forge an alliance
LABOR
Violations of workers’ rights, getting worse – rights group
Radio network employees gear for strike against union-busting
Workers call labor department’s order against contractualization ‘a hoax’
NEWS IN PICTURES


Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia (Photo courtesy of Migrante International / Bulatlat.com)

REGIONS
Environmentalists hail Baguio City’s ‘ban’ on SM tree-cutting
Governor hits open pit mining in Bontoc
Mining confab declares: “Philippines is not for sale”
INTERNATIONAL
The End of the End of Austerity We’re All Greeks Now
Globalism’s Perverse Rewards: World’s Apex Bully Leads World Into Lawlessness
European People Have Rejected Austerity Madness: Will the U.S. Get the Message
INDIGENOUS PEOPLES
Advocacy group for indigenous peoples pushes agenda for education
Cordillera Day 2012 focuses on mining and militarization
Killed indigenous leader Jimmy Liguyon’s family continue fight for justice
MULTIMEDIA


Video: Workers slam Aquino’s empty speech on Labor Day

Slideshow: Women slam Aquino’s inaction on price hikes


Slideshow: Workers call on Aquino to implement pro-people policies

ON THE FRINGES
The miracle of breast milk
For Dana Marie
CULTURE
GLOC-9: Nang magkatinig ang pipi
Performing Alan Jazmines: a reflection on his prison poem
Professor urges teaching of Ibaloi language
FULL COVERAGE
Wages and Labor Issues
Price Increases
GPH-NDFP Peace Talks
2010 Yearender
Morong 43
Aquino's First 100 Days
Hacienda Luisita
Ampatuan Massacre
Home         Subscribe (RSS or Email)        About Us        Donate         Contact Us         Archive         Advertise with Bulatlat
Copyright © 2009 Alipato Media Center Inc.         Read Bulatlat's Syndication Policy         Web design and hosting by Web Host Philippines