Ulinigin ang Huling Tunog ng Tambuli ng Babaing Mandirigma

Ni RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat

Ang huling tunog ng tambuli
Ay badya ng matagalang paghimbing
Sa sinapupunan ng Panginoon.

Sundalo kang hindi tumunog
Ang panganib at buga ng tinggang apoy
Sa digmaan ng katotohanan.

Ang kislap ng butil ng Rosaryo
Ang bumulag sa mata ng kadigma
At nagbukas sa daraanan ng laksang nananalig.

Ngayong himbing na ang hininga ng Mandirigma,
Huwag nating hayaang makupot ng kadigma ang makipot
Na landas na kaniyang tinahak.

(Inilathala ng Bulatlat)

Share This Post