Sponsored Links
Tera Gold
Dresses
Diablo 3 Gold
China Wholesale
Bluetooth Headset
Fashion Bridal Dresses
HOME     |     LATEST STORIES     |     OPINION & ANALYSIS     |     SPECIAL REPORTS     |     MULTIMEDIA     Video     Slideshow     Audio/Podcasts     Webcasts
May 26, 2012
Manila, Philippines
Support progressive journalism.
Donate to Bulatlat.
SLIDESHOW Women slam Aquino’s inaction on price hikes
VIDEO On Labor Day, Workers call on Aquino to implement pro-people policies
STREET SHOOTER
Street Shooter: Sunrise at Sunset
SALUNGGUHIT Salungguhit: The face of poverty and struggle
PHOTO OF THE WEEK
Photo of the week: Weight-lifting
TOP STORIES
GPH set to terminate peace talks with NDFP next year – NDFP’s Agcaoili
Dismissed union leaders ask RMN to be true to its branding
Suspect in abduction of Jonas Burgos shows no proof of alibi
OPINION
People’s lawyering goes a long way back in history
Intensive care
Crowning revelation
MUST-READS
KMP warns vs loopholes in SC decision on Luisita distribution
Anti-mining campaign gaining ground in Ilocos
Five years of searching for Jonas Burgos
BROWSE BY SECTION OR SUBJECT
Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples
Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads


M-Jeneration

Published on June 29, 2009

Ni ROLANDO TOLENTINO
Kulturang Popular Kultura
Bulatlat

Nang mabalita sa Internet na patay na si Michael Jackson (MJ) noong Hunyo 25, 2009, mabilisan ang palitan ng mensahe, postings at tribute matapos. Marami ang nalungkot. Banggit ng kaibigang Sarah, yung kapatid ng kaibigan niya, yapos-yapos ang sanggol at bigla na lamang napahagulgol.

Hindi lamang purong imahinaryong bonding ang dahilan. Siya ay dumalo sa MJ concert nang mapadpad ito sa Pilipinas. Pati ang newscaster na si Arnold Clavio, dating reporter lamang noong panahon, ay superlatibo ang paggunita ng kanyang unang engkuwentro sa King of Pop. Banggit ni Sarah, tumigil daw ang paghinga nang unang masilayan ito, at nang makipagkamayan, napatanga sa pagkamangha.

Gusto pa nga ni Sarah mag-memorial run kami para kay MJ, sampung kilometro ng pagtakbo bilang taimtim na paggunita sa isa sa marka ng henerasyon namin. Na kahit pa magkahiwalay ng isang henerasyon ang pagitan namin, isa si MJ na nagtulay ng pagkakakilanlan namin. Pero hindi natuloy ang run, nabusog lamang ang aming alaala sa mga paggunita ng kay MJ noon at sa kanyang kamatayan ngayon.

Lehitimo naman ang kahalagahan ni MJ—isang Afrikano Amerikanong artista na naging mainstream, at matapos ng kanyang rurok na tagumpay, biglang naging exentriko, reklusibo, at sa kolokyal na usapin, isang weirdo. Biglang pumuti, tumangos ang ilong, nagka-cheek bone, umunat ang buhok, nag-asawa kay Lisa Marie Presley, nagkaanak sa isang nars, nabangkarote, at sa puntong uusad na muli ang career, biglang namatay.

Kami ang M-Jeneration. Ipinaghele at umindak sa kanyang musika, kinakaraoke ang kanyang mga kanta. Marami ang natutong mag-moonwalk. Patuloy pa rin akong nakakakita ng sequined na glove, aviator shades, kinulot na buhok sa mukha, at sash sa Amerikanang itim na ginagaya si MJ, kahit pa para na lamang itong costume na nakikilala ng maraming familiar sa asta ni MJ sa kanyang kasikatan.

Hindi ba’t pati si Aga Muhlach ay hindi nahiyang kinopya ang hitsura at sayaw, kasama ng crotch-grabbing moment, ni MJ, lalo na sa “Billie Jean”? Isang kaibigan nga ang nagsabing ang “Ben” at “I Just Can’t Stop Loving You” ay nagpapaalaala sa kanyang mga naging mahal sa buhay, infatuation stage o katumbas ng unang buwan ng pagkakakilala. Ano ang musika ni MJ sa buhay mo?

Nang makapagkwentuhan kami ni Sarah, nagtapatan kami kung umiyak ba kami sa pagkamatay ni MJ? Sabi ko ay hindi. Hindi rin umamin si Sarah. At tinanong niya ang mga kasamahan kung sino ba ang iiyakan niya kapag napabalitang namatay na? Hindi kasama si MJ sa binanggit ni Sarah.

Ang pagkamatay ni MJ ay nagbibigay-turing sa kabuuan nitong buhay. Talentado, at ilang beses ang banggit na “musical genius” nga ito, maagang nagtrabaho kasama ang pamilya, magaling sumayaw, lumikha ng awit, i-market ang sarili. Ito ang normal na trajektori na naging batayan ng pagka-alamat ni MJ. Ang sumunod na yugto ng exentrismo at kaweirdohan ang siya namang naging batayan ng pagkutya at kritisismo.

Na naabot na ni MJ ang kanyang glass ceiling bilang Afrikanong Amerikanong artista sa US ay maaring bahagi ng kabuuang kwento nito. Pero ang US at buong mundo ay mahilig sa dalawang magkaibang imahen ng kanyang mga ikonikong artista: young at fat Elvis Presley, virile at fat Marlon Brando, bata at reklusibong Greta Garbo, Beatles at post-Beatles na John Lennon, at ito ngang talentadong Afrikano Amerikanong hitsura o nagpipilit na maging puting si MJ.

Tanging sina James Dean, Marilyn Monroe at Heith Ledger ang iisa ang imahen—ang robustong kabataan at ikonograpikong nilalang na likha ng media. Pati sina Cher, Whitney Houston, Tina Turner, at Madonna ay inaalaala lamang sa kontemporaryong kabataan nila: na kahit tumatanda, ang retorika ng pagpapakilala sa kanila ay sa pamamagitan ng kapasidad nilang makapagpanatili nila ng kanilang kabataang hitsura, musika, at representasyon.

Na kahit na nga namatay sa marahas na overdose o aksidente, ang alaala ng purong kabataan na dulot ng sustenidong reproduceabilidad nito sa media sa iba’t ibang panahon, sila ay nabubuhay sa imahinaryo ng naunang mahalagang yugto ng pagkakabataan. Transhistorikal at transkultural ang diwa ng kabataang ito.

At ito ang henerasyong napakat sa kabataan ang imahen ng sarili. Youth worship na tila hindi tatanda. Ilang beses ko nang narinig ang ageist na remark na nagpapatingkad ng distinksyon ng bata at matanda, ng kabataan at adulthood, na pawang sentral na usapin sa mabuskang kabataan ang tila hindi pagtanda nito, ang pananatiling forever young.

Pages: 1 2

RELATED CONTENT

No related posts

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
CATEGORIES
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

2 Responses to “M-Jeneration”

  1. diego rojo banaag Says:

    di ba dapat Lisa Marie at hindi Priscilla?

  2. Bulatlat Says:

    tama po kayo. na-correct na po. salamat ng marami.

Leave a Comment

HUMAN RIGHTS
Groups score continuing rights abuses as Philippines undergoes review by UN body
Rights groups to file complaint vs Aquino administration
Victim files opposition to promotion of military torturers
MIGRANTS
Family questions circumstances surrounding death of OFW in Singapore
Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia
Migrante sounds alarm against illegal deportation of OFW trade union leader from South Korea
LABOR
Violations of workers’ rights, getting worse – rights group
Radio network employees gear for strike against union-busting
Workers call labor department’s order against contractualization ‘a hoax’
NEWS IN PICTURES


Filipinos join protests against NATO in Chicago, US (Photo by Brett Jelinek / Bulatlat.com)

REGIONS
Environmentalists hail Baguio City’s ‘ban’ on SM tree-cutting
Governor hits open pit mining in Bontoc
Mining confab declares: “Philippines is not for sale”
INTERNATIONAL
The End of the End of Austerity We’re All Greeks Now
Globalism’s Perverse Rewards: World’s Apex Bully Leads World Into Lawlessness
European People Have Rejected Austerity Madness: Will the U.S. Get the Message
INDIGENOUS PEOPLES
Advocacy group for indigenous peoples pushes agenda for education
Cordillera Day 2012 focuses on mining and militarization
Killed indigenous leader Jimmy Liguyon’s family continue fight for justice
MULTIMEDIA


Video: Workers slam Aquino’s empty speech on Labor Day

Slideshow: Women slam Aquino’s inaction on price hikes


Slideshow: Workers call on Aquino to implement pro-people policies

ON THE FRINGES
The miracle of breast milk
For Dana Marie
CULTURE
Iggy Rodriguez, the artist as a conscious political being
GLOC-9: Nang magkatinig ang pipi
Performing Alan Jazmines: a reflection on his prison poem
FULL COVERAGE
Wages and Labor Issues
Price Increases
GPH-NDFP Peace Talks
2010 Yearender
Morong 43
Aquino's First 100 Days
Hacienda Luisita
Ampatuan Massacre
Home         Subscribe (RSS or Email)        About Us        Donate         Contact Us         Archive         Advertise with Bulatlat
Copyright © 2009 Alipato Media Center Inc.         Read Bulatlat's Syndication Policy         Web design and hosting by Web Host Philippines