Sponsored Links
Dresses
WOW Gold Cheap
China Wholesale
Forex Trading Online
Bluetooth Headset
Fashion Bridal Dresses
For worldwide flight & hotel reservation with instant confirmation. Up to 75% discount
HOME     |     LATEST STORIES     |     OPINION & ANALYSIS     |     SPECIAL REPORTS     |     MULTIMEDIA     Video     Slideshow     Audio/Podcasts     Webcasts
February 13, 2012
Manila, Philippines
Support progressive journalism.
Donate to Bulatlat.
SLIDESHOW Yearender: Victories of the Filipino People
VIDEO Demolisyon
STREET SHOOTER
Street Shooter: Off to work
SALUNGGUHIT Salungguhit: Unreasonable oil price increases
PHOTO OF THE WEEK
Photo of the week: Death march post
TOP STORIES
Gabriela launches petition, vows more mass actions against price increases
KMP charges Aquino envoy of inking anomalous $300M agri-deal with Bahrain
Reveal details of VFA review, negotiations with US – progressive groups
OPINION
Economic interests behind push for greater US military presence in the region
Colonial and repressive
Mark Twain on Phil-Am War, 113 years ago
MUST-READS
On US Imperialism and a way forward for the Philippines
‘Arroyo should be liable for plunder not just graft, corruption’ – progressive groups
Urban poor march to Mendiola also blocked by the police
BROWSE BY SECTION OR SUBJECT
Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples
Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads


A(H1N1)

Published on June 14, 2009

Ni ROLAND TOLENTINO
Kulturang Popular Kultura
Bulatlat

Naalaala ko nang huling gumamit ng ganitong formula, sa klase sa chemistry. Hindi nga ba’t ang urban legend ay tinanong daw ni Eddie Ilarde, host ng noontime show na Student Canteen, ang kontestant, “Ano ang pangkaraniwang tawag sa NaCl?” At dahil hindi makasagot ang kontestant, nagbigay ito ng clue. “Ito ang binubudbot niyo sa itlog ng inyong Mister.” Dali-daling sumagot ang kontestant, “Pulbos!” Namula si Ilarde, humagalpak ng tawa, pati ang mga audience sa studio. Nagtataka lamang ang kontestant kung bakit.

Masasabi na ganito rin ang reaksyon ng mga nabiktima ng swine flu virus, A(H1N1) o Influenza A subtype H1N1, na madalas makabiktima sa mga baboy at ibon. Isa itong uri ng lagnat. At kung lagnat lang, bakit nagkakagulo ang mundo, at maging ang World Health Organization (WHO) ay nagdeklara na ng status ng pandemiko ito. Ito ang unang deklarasyon ng WHO ng antas ng pandemiko sa loob ng 40 taon.

Tanging mga nabibiktima at pamilya nila ang nakadarama ng pagtataka—kung ano itong bagong virus na dumapo sa kanila. Na parang sila lang ang hindi nakakaintindi kahit sila lang ang direktang naapektuhan nitong low-risk na virus. Ayon sa WHO noong Hunyo 2009, may 27,737 ang may kaso ng H1N1 sa 74 na bansa, at 141 na ang namamatay resulta nito. Ang mga high risk sa H1N1 ay ang historikal na naisantabi: nakakatanda, nagdadalangtao, musmos, mga may sakit sa puso at baga. Tila sinasalamin ng virus ang mga aktwal na naeetsapwera sa kasaysayan.

Sa katunayan, ang mga nababalitaang may kaso ng H1N1 virus ay galing sa mga pribadong eskuwelahan: De La Salle University (DLSU)-Taft, DLSU-St. Benilde College, Ateneo de Manila high school, FEU-East Asia College, at St. Andrews School sa Parañaque. Ang narinig kong biro sa UP ay hindi raw kasi lubos na mayayaman ang mga estudyante, kakaunti lang ang nakakapagbiyahe sa labas ng bansa kaya wala pang insidente ng H1N1 virus sa kampus.

Ang hindi isinasaad ng mga kaso ay hindi naman talaga maykaya lamang ang may akses sa biyahe sa labas ng bansa. Hindi ba’t ang migranteng manggagawa na bumubuo ng mga sampung porsyento ng populasyon, mga 12 hanggang 15 milyong Filipinong OCW ay nanggaling sa lampas pa sa 74 na bansang apektado ng virus? Dagdag sa matinding kondisyon ng paggawa sa ibayong-dagat, pati ang kalungkutan sa pagkawalay sa pamilya, ang H1N1 ang bagong risk factor ng pagiging migranteng manggagawa.

At kung isasaalang-alang din ang demographics ng OCWs, karamihan na nito ay mga babae, marami rin ang may sakit o lalong nagkakasakit sa pagtratrabaho sa ibang bansa. Samakatuwid, kasumpa-sumpang maging OCW sa kasalukuyang panahon. Itong idinadambana ng estado bilang “bagong bayani” ay dinadakila lamang sa kanilang kapasidad ng magremita ng foreign currencies sa bansa. Lampas pa rito, pambubusabos ang trato ng estado. May plano ba ito para sa mga OCW na naging biktima ng virus, o ang kanilang pamilya rito?

Kaya hindi mayamang sakit ang H1N1. Ito ay tumatabas sa lahat ng uring may kapasidad makapaglakbay dahil sa kanilang sobrang finansyal na yaman o lakas-paggawang naibebenta sa labas ng bansa. Na kahit hindi pangmayaman, ang minamarkahan ng mga bagong global na sakit—swine flu, bird blue, SARS—ay ang kapasidad ng katawang uminog sa globalisasyon dahil sa angking finansyal at lakas-paggawang yaman.

Mabilis-bilis ang pag-akyat ng insidente ng kaso ng H1N1: noong 11 Hunyo, 92 pa lamang ang kaso; noong 12 Hunyo, 111 na ang bilang. At nadaragdagan din ang mga bilang nang nakakaligtas sa pagkasakit. Sa katunayan, mas mapanganib pa ang insidente ng dengue kaysa H1N1 sa bansa. Na masasabi ring ‘great equalizer” dahil walang pinipiling biktimahin, mayaman man o mahirap.

Ang hindi sinasaad nito ay ang mas maraming rekurso ng maykaya kaysa wala sa dengue, maging sa H1N1. Marahil, sa pagkakaraon ng tsansang magkasakit, pantay ang mayaman at mahirap. Pero sa tsansang gumaling sa mga sakit, mas nakalalamang ang mayaman sa mahirap. At ito ang kwento ng pagkakasakit sa bansa. Hindi patas ang laban.

Hindi nga ba’t si Manny Pacquiao, nang makabalik sa bansa pagkatapos ng laban sa Las Vegas, ay hindi nagpapigil. Tinatwa ang self-quarantine policy na magkukulong sa balikbayan sa kanyang tirahan sa loob ng sampung araw para lamang tamasain ang pag-ambon ng papuri at parade ng mga politikong tagasuporta?

Sa global na antas, hindi rin patas ang labanan. Ang deklarasyon ng pandemikong antas ng H1N1 ng WHO ay nagpapaalarma sa dami ng gitnang uri na nagnanais maprotektahan ang sarili laban sa sakit na ito. Ang patent para sa Tamiflu, gamot para sa maraming uri ng influenza, kabilang ang avian flu ay pinanghahawakan ng Gilead Sciences. Noong 1997, si Donald Rumsfeld, ang magiging Defense Secretary ng US sa ilalim ng pagkapresidente ni George Bush, Jr., ang chairman of the Board ng kompanya.

Mapapapayag niya ang gobyerno ng US na mag-stockpile ng Tamiflu na nagkakahalaga ng $2 bilyon. Si Rumsfeld din ay kaduda-duda ang koneksyon sa pharmaceutical industry. Kumita raw ito ng $10 milyon sa pagbebenta ng isang pinaghihinalaang carcinogenic na sweetener, ang Nutrasweet.

Pages: 1 2

RELATED CONTENT

Activist Doctors in Davao Worry Over Their Safety After Colleague’s Killing

Poor and Sick Filipinos Pay Dearly for Failure of Cheaper-Medicines Law

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
CATEGORIES
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

Leave a Comment

HUMAN RIGHTS
2 activists nabbed in Laguna, charged with common crimes
International lawyers to Aquino: ‘Release political prisoners, stop impunity’
Palparan still no-show, yet issuing statement through ‘lawyer’
MIGRANTS
OFWs and Filipino residents in Italy protest the ‘remove middle name’ policy
Fil-Am groups call on Aquino to stop deportation of 12,000 Filipinos in Mariana Islands
OFW group calls for return of P13M overcharged by POEA, slams ‘institutionalized mulcting’
LABOR
To be idle and hungry
Labor woes and frozen wages in Davao
State university employees gain new benefits after holding mass actions
NEWS IN PICTURES


UP, artists reiterate call for release of Ericson Acosta (Photos by Ronalyn V. Olea and Fred E. Dabu)

REGIONS
Arakan farmers decry rights abuses
Criminal charges filed anew vs 2 political prisoners in Ilocos
Small-scale miners in Pantukan ask, why blame us?
INTERNATIONAL
‘Tamil sovereignty alone can check protracted genocide’ – Joma Sison
Should We Allow NATO Free Rein to Attack and Kill People?
‘Bugsplat’: The Ugly US Drone War in Pakistan
INDIGENOUS PEOPLES
Mining-related deaths, destruction haunt celebration of Mine Safety Week
Moros urge Aquino to stop his ‘all-out justice’ in Mindanao
A saga of all-out euphemisms vs peace, the Moro and the ordinary people
MULTIMEDIA


Slideshow: Art does bring in money, ask the Boracay boys


Yearender: Victories of the Filipino People


Video: Demolisyon

ON THE FRINGES
Easier to blame Azazel
Shoestring journalism
CULTURE
A Full Belly, A Happy Heart
Zombadings, on modern day acceptance
Guiltless? An activist on vacation
FULL COVERAGE
Wages and Labor Issues
Price Increases
GPH-NDFP Peace Talks
2010 Yearender
Morong 43
Aquino's First 100 Days
Hacienda Luisita
Ampatuan Massacre
Home         Subscribe (RSS or Email)        About Us        Donate         Contact Us         Archive         Advertise with Bulatlat
Copyright © 2009 Alipato Media Center Inc.         Read Bulatlat's Syndication Policy         Web design and hosting by Web Host Philippines