Sponsored Links
Tera Gold
Dresses
Diablo 3 Gold
China Wholesale
Bluetooth Headset
Fashion Bridal Dresses
HOME     |     LATEST STORIES     |     OPINION & ANALYSIS     |     SPECIAL REPORTS     |     MULTIMEDIA     Video     Slideshow     Audio/Podcasts     Webcasts
May 26, 2012
Manila, Philippines
Support progressive journalism.
Donate to Bulatlat.
SLIDESHOW Women slam Aquino’s inaction on price hikes
VIDEO On Labor Day, Workers call on Aquino to implement pro-people policies
STREET SHOOTER
Street Shooter: Sunrise at Sunset
SALUNGGUHIT Salungguhit: The face of poverty and struggle
PHOTO OF THE WEEK
Photo of the week: Weight-lifting
TOP STORIES
GPH set to terminate peace talks with NDFP next year – NDFP’s Agcaoili
Dismissed union leaders ask RMN to be true to its branding
Suspect in abduction of Jonas Burgos shows no proof of alibi
OPINION
People’s lawyering goes a long way back in history
Intensive care
Crowning revelation
MUST-READS
KMP warns vs loopholes in SC decision on Luisita distribution
Anti-mining campaign gaining ground in Ilocos
Five years of searching for Jonas Burgos
BROWSE BY SECTION OR SUBJECT
Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples
Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads


Pagtakbo at Zen

Published on November 24, 2008

Sa loob ng isang oras na pagtakbo, na kahit nga minsan ay isang ikot lang sa oval ang katumbas, nababalikwas ang hangganan ng sarili. Natatamo ang pag-usad, at ang paglampas sa pinagmulang kalagayan. May natatagpuang katahimikan sa isang iglap na wala munang halaga ang iba. Na ang sandaling ito ay para sa sariling kapasidad na malampasan ang parametro ng buhay. At may mapayapang iglap na pabaon din ang sandaling ito. Na may katiwasayan ang sarili sa lilim ng akasya.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat

Ngayon lang ako nagkaroon ng sports na tinatangkilik na buhay pa rin, matapos ng lampas isang taon. Noong bata ako, sa slambook ng mga kaklase, wala akong tiyak na masulat sa tanong na “sports and activities.” Sinusulat ko na lang ay badminton kahit ito ay gamit ang family badminton set na nabibili sa affordable na halaga. At tulad ng maraming “sports” na tinatangkilik sa bansa, nilalaro na walang court, uniporme, akmang sapatos at rules. Bara-barabay kumbaga. Kahit mahangin ay naglalaro pa rin sa patag na lugar.

O di kaya ay bowling na unang ipinakilala ng aking mga magulang nang napilitang isama kami sa kanila ring miminsanang pagpunta sa bowling lanes sa Gapan. Di pantay ang sahig, nasasalubsob ang yapak na paa, at baku-bako na ang lanes, pati na rin ang bola. Pero masaya ang gabing iyon, na kahit na nga pauwi kami at ang mga matatanda ay inaantok sa nagsisiksikang biyahe, kaming mga bata ay buhay na buhay pa ring pinagkukwentuhan pa rin ang bagong karanasan.

Nag-gym ako dati at tunay namang matagal magpalaki ng katawan at magpaliit ng tiyan. Pero sa liit ng sweldo sa pinagtuturuan ko, at sa buwanang laki ng kaltas, di ko na kayang magbayad sa gym sa mall. Y’ung malapit naman na gym sa bahay ay parang hindi naman pangtao dahil yung isa ay nakatutok ang harap sa mainit na araw sa hapon. Y’ung isa naman ay kakaunti ang gamit, mahal para sa kanyang fasilidad, at napakalakas ng tugtog mula sa makulit na anunsyo sa estasyong FM.

Sa Unibersidad ng Pilipinas ako nagtuturo at ang isang perk ng pagtuturo ay ang mga higanteng akasyang nakalinya sa magkabilang kalsada sa University Oval. Na kahit na nga mausok mula sa humaharurot na sasakyan, na kapag naglinis ka ng ilong ay itim na hibla ang lumalabas, ay OK na rin. Pagtakbo ang naging sports ko. Naisisingit ang kalahati hanggang lampas ng isang oras sa hapon at gabi, bago umuwi sa bahay.

Gusto ko ang pagtakbo dahil di matatanya ang itatakbo hanggang hindi aktwal na tumatakbo. Sa simula, kapag ako ay nakalimang ikot na sa oval, kinabukasan ay kahit isang ikot ay hindi ko matapos. May araw na akala ko ay malakas ako, pero nangangalahati pa lang sa oval ay biglang nananamlay. O araw na nanghihina dahil sa puyat, bigla na lamang makakatakbo nang lampas-lampasan.

Sa kalaunan, ang pagtakbo ay isang dayalektikong aktibidad. Kailangan ng akmang pahinga at diyeta para masustina ang pagtakbo. Nafa-factor in na ang tulog at pahinga, maging kung ano ang kinain, sa kalidad ng pagtakbo. Kaya pati ang mga ito ay nababantayan na rin. Kung hindi nga, disimulado ang kalidad ng pagtakbo. Malakas, mahina, matagal, mabagal, kakarag-karag, may buhos, pero hindi sustenido.

At ang isang paalaala sa pagtakbo, kailangan nga ay patuloy itong ginagawa. Kundi ay babalik na lang parati sa “baby steps” na tila nagsisimula na namang muli. Kung hindi nakatakbo, halimbawa, ng dalawang linggo, tiyak na ang unang takbo ay malaki ang kabawasan sa huling takbo. Kailangan na namang simulan sa batayang lebel hanggang sa umangat sa makataas.

Para itong zen mode, na nakukuha ang perfeksyon ng isang bagay o buhay batay sa masteri ng nito, kabilang ang instrumentalisasyon ng katawan at pisikalidad sa larangan. Kung ako ay isang potter, halimbawa, sa pamamagitan ng araw-araw na pagsasabuhay ng aking sining matatagpuan ang zen na antas ng buhay. Na nagkakaroon ng spiritwal na dimensyon ang pisikal na aktibidad, o gamit ang pisikalidad, ang ritualisasyon ng katawan sa larangan, para maabot ang spiritwalidad.

At hindi ito Judeo-Kristianong karanasan, ang pagpapakasakit sa material na buhay para sa katubusan sa isang kaluwalhatian sa pagyao ng katawan. Hindi rin ito Hollywood na pelikula, na ang lahat ng pagpupursigi ay may pangakong masayang katubusan sa pagtatapos ng panonood. Ito ay simplisidad ng laan o naitakas na panahon para sa pangangalaga sa katawan at sarili, kundi man paghahanap ng balon ng buhay.

oong bago ako tumatakbo, ang ginagawa ko ay brisk walking sa oval. At nayayakag ako ng aktibidad sa panahon ng pagkakausap sa aking mga demonyo. Y’ung mga nang-aaway, nambabalasubas sa akin ay parang kinukumpronta ko sa lilim ng akasya. Kaya nakakapagod ang pagkatao, kahit na tila lumalakas ang pangangatawan. Tumataas marahil ang presyon habang nakikipagbalitaktakan sa sariling mga multo.

Sa pagtakbo, sumasagi pa rin ang mga multo pero pwede ko silang sabihang, tumabi muna kayo. Hindi naman para sa kanila ang pagtakbo, hindi rin para sa narsisistikong sarili. Ang pagtakbo ay para sa pagtunghay sa kapasidad ng sarili na unti-unti, at tunay naman dayalektikal lamang ang pag-unlad, na mahigitan ang nauna nang karanasan sa pagtakbo. Hindi tulad ng romansa ng Nike na tatapusin lamang ang gawain kapag tapos na ito, kahit pa hindi na kaya ng katawan, ang pagtakbo ay pag-unawa sa relasyon ng pinagmulan at hangganan.

Na ang hangganan ay isa ring material ngunit natitibag na konstrak. Na maari itong lampasan hindi lamang kung nais, kundi kung nais magpursigi. Na walang darating na pag-unlad kung hindi nga nagpupursiging umunlad. At ang hangganan ay lampas-lampasan sa aking kasalukuyan. Balak ng aking kasamang makatakbo kami ng full marathon, 42 kilometro, in this lifetime. At ang aming kakanyanan ay mga 10 kilometro pa lamang.

Kahit i-push pa namin, 21k lamang ang aming maabot. At ang kasama ko nga ay nakakapag-21k na takbo na. Ang tangi ko lamang rekord ay isang fun run sa unibersidad na 5k. Kaya marami-rami pa akong bigas na kakainin. Pero dahil nga nang una akong tumakbo ng 5k, hingal na hingal na ako, isang taon matapos nito, nakaka-10k na rin naman ako. Kaya may inunlad na ito, at tunay naman ang paglalakbay ng ilang libong milya ay nagsisimula sa isang yapak.

Iyon nga lang, apektado rin ang aking pagtakbo sa pagtaas ng presyo ng gasolina. Kung mahal ang gasolina, mahal din ang gastos kapag pupunta ng kampus para lamang tumakbo. Dumadalang ang aking pagtakbo nang magsimulang mag-ipo-ipo ang presyo ng gasolina. Natatagpuan ko ang sarili na nagski-skipping rope na lamang sa bahay para makuha ang oras na laan sana sa pagtakbo. At ngayon nga, pati ang pagtakbo sa subdivision kong tadtad ng humps ay inaatupag ko na rin.

Sa loob ng isang oras na pagtakbo, na kahit nga minsan ay isang ikot lang sa oval ang katumbas, nababalikwas ang hangganan ng sarili. Natatamo ang pag-usad, at ang paglampas sa pinagmulang kalagayan. May natatagpuang katahimikan sa isang iglap na wala munang halaga ang iba. Na ang sandaling ito ay para sa sariling kapasidad na malampasan ang parametro ng buhay. At may mapayapang iglap na pabaon din ang sandaling ito. Na may katiwasayan ang sarili sa lilim ng akasya.(Bulatlat.com)

RELATED CONTENT

Mustasa

Kapangyarihan at Pisikalidad

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
,
CATEGORIES
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

Leave a Comment

HUMAN RIGHTS
Groups score continuing rights abuses as Philippines undergoes review by UN body
Rights groups to file complaint vs Aquino administration
Victim files opposition to promotion of military torturers
MIGRANTS
Family questions circumstances surrounding death of OFW in Singapore
Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia
Migrante sounds alarm against illegal deportation of OFW trade union leader from South Korea
LABOR
Violations of workers’ rights, getting worse – rights group
Radio network employees gear for strike against union-busting
Workers call labor department’s order against contractualization ‘a hoax’
NEWS IN PICTURES


Filipinos join protests against NATO in Chicago, US (Photo by Brett Jelinek / Bulatlat.com)

REGIONS
Environmentalists hail Baguio City’s ‘ban’ on SM tree-cutting
Governor hits open pit mining in Bontoc
Mining confab declares: “Philippines is not for sale”
INTERNATIONAL
The End of the End of Austerity We’re All Greeks Now
Globalism’s Perverse Rewards: World’s Apex Bully Leads World Into Lawlessness
European People Have Rejected Austerity Madness: Will the U.S. Get the Message
INDIGENOUS PEOPLES
Advocacy group for indigenous peoples pushes agenda for education
Cordillera Day 2012 focuses on mining and militarization
Killed indigenous leader Jimmy Liguyon’s family continue fight for justice
MULTIMEDIA


Video: Workers slam Aquino’s empty speech on Labor Day

Slideshow: Women slam Aquino’s inaction on price hikes


Slideshow: Workers call on Aquino to implement pro-people policies

ON THE FRINGES
The miracle of breast milk
For Dana Marie
CULTURE
Iggy Rodriguez, the artist as a conscious political being
GLOC-9: Nang magkatinig ang pipi
Performing Alan Jazmines: a reflection on his prison poem
FULL COVERAGE
Wages and Labor Issues
Price Increases
GPH-NDFP Peace Talks
2010 Yearender
Morong 43
Aquino's First 100 Days
Hacienda Luisita
Ampatuan Massacre
Home         Subscribe (RSS or Email)        About Us        Donate         Contact Us         Archive         Advertise with Bulatlat
Copyright © 2009 Alipato Media Center Inc.         Read Bulatlat's Syndication Policy         Web design and hosting by Web Host Philippines