November 24, 2014     Philippines
Support alternative journalism. Donate to Bulatlat.com.

December 16, 2007
Mga Desperadong Pag-aaral sa mga Bugtong, Salawikain at Kasabihan

DALAWANG TULA NI GERMAN V. GERVACIO
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VII, No. 45, December 16-22, 2007

Hu Let Da Dogs Awt?! Hu-Hu-Huhu!: Isang Desperadong Pag-aaral
sa Mga Modernong Bugtong na Walang Gustong Sumagot

0. Aso kong puti
Inutusan ko sandali
Hindi na umuwi

Clue: pwe!
Sagot:

1. Aso ako ng Puti
Inuutusan ako palagi
Upang maka-loan muli’t muli

Clue: cute po ako at hate ko mga terrorists
Sagot:

2. Aso kong punggok
Sa trono’y iniluklok
Nang pababain ay naghimutok

Clue: hate po niya mga terrorists at cute siya
Sagot:

3. Aso kong tabogol
Kadena’y aking pinutol
Upang tumigil sa katatahol

Clue: Err-rafrafraf, hik!
Sagot:

4. Aso kong itim
Pinabilang ko nang lihim
Trono’y napunta muli sa akin

Clue: kapag bundat na ang linta, nagreresayn nang kusa
Sagot:

5. Aso ako ng punggok
Nang ang tuta ko’y nagpaputok
Nasabon ako mula paa hanggang tuktok

Clue: dog po ako pero parang sa rabbit tenga ko
Sagot:

6. Aso kong panay ang atungal
Sa palasyo nainvite mag-almusal
Pag-uwi may paperbag na busal

Clue: batik-batik po ang aso kong ito, lord
Sagot:

7. Mga aso kong pula
Pinalparan ko na
Panay pa rin ang alma

Clue: Sori, wala pong clue, wala ring ebidensya…
Sagot:

8. Aso kong astang-hero
Mistulang si fernando poe
Nang pulbusin ang mga haybol sa estero

Clue: Sapatusin po kita pag humingi ka pa ng clue!
Sagot:

9. Aso kong may sayad
Tingin sa sarili niya’y isteytsayd
Kuntodo-accent pagbigkas ng “I lied!”

Klu: klut-klut hair niya
Sagot:

10. Mga katahulan kong apatetik
Pinabasa ko nitong aking gimik
Di nangagat panay lang hagikgik

Clue:
Sagot:

Ang Wika Ay Sala Rin: Isa Na Namang Desperadong Pag-aaral
sa mga Modernong Salawikain at Kasabihan na Walang Gustong Sumunod

1. Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago…
Pwera na lang kung ang kuwago ay may paalmusal na limandaang libo.

2. Ang tumatanggi sa grasya nabubulag ang mata
Ang tumatanggi sa grasya sa senado’y pinaiisplika

3. Anak na hindi paluhain
Kaalyado ng ama ang ididiin

4. Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo
Ang taong may kibo dugo ng ama ang kukulo

5. Daig ng maagap ang masipag
Daig ang maagap ng unang ginoo

6. Kapag bundat na ang linta bibitiw nang kusa
Kapag nabuking ang linta magbibitiw sabay paawa

7. Huwag bilangin ang sisiw hangga’t hindi pa nangingitlog
Huwag bilangin ang boto hangga’t hindi pa nag-aappoint sa comelec ng kaalyado

8. Ang sundalong nasusugatan nag-iibayo ang tapang
Ang sundalong pinoposasan pwede na ring dibdiban

9. May pakpak ang balita
May tenga ang lupa
May pang-hog tie ang mga ulanghiya!

10. Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw
Ang sinungaling ay pinalaya ang magnanakaw
Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw
Ang magnanakaw ay galit sa sinungaling
Ang sinungaling ay may asawang magnanakaw
Ang sinungaling at magnanakaw ay may mga anak na mayabang
Ang mga anak ay may pinagmanahan
Ang mayayabang ay mukhang kuwago
Ang mga kuwago ay nakatira sa….

11. Batobato sa langit…
Tamaan sana ang mga kuwagong pangit!

Inilathala ng Bulatlat

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
CATEGORIES
* Latest Posts
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

2 thoughts on “Mga Desperadong Pag-aaral sa mga Bugtong, Salawikain at Kasabihan

BROWSE BY SECTION OR SUBJECT ››

Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples

Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads

ON THE FRINGES (BULATLAT STAFF BLOG) ››