Sponsored Links
Tera Gold
Dresses
Diablo 3 Gold
China Wholesale
Bluetooth Headset
Fashion Bridal Dresses
HOME     |     LATEST STORIES     |     OPINION & ANALYSIS     |     SPECIAL REPORTS     |     MULTIMEDIA     Video     Slideshow     Audio/Podcasts     Webcasts
May 22, 2012
Manila, Philippines
Support progressive journalism.
Donate to Bulatlat.
SLIDESHOW Women slam Aquino’s inaction on price hikes
VIDEO On Labor Day, Workers call on Aquino to implement pro-people policies
STREET SHOOTER
Street Shooter: Old and New
SALUNGGUHIT Salungguhit: The face of poverty and struggle
PHOTO OF THE WEEK
Photo of the week: Sidewalk fast food
TOP STORIES
Groups score continuing rights abuses as Philippines undergoes review by UN body
Claims that US will aid Philippines against China just ‘fantasy’
Solidarity mission for victims of military abuses in Agusan del Sur held
OPINION
A plea for plain justice and a dash of humanity
Abused and unused
The Yankees are back
MUST-READS
Anti-mining campaign gaining ground in Ilocos
Five years of searching for Jonas Burgos
Philippines tops list of world’s most disaster-hit countries in 2011
BROWSE BY SECTION OR SUBJECT
Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples
Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads


Pahayag sa Pagtanggap ng Gawad Marcelo H. del Pilar

Published on April 29, 2007

Maraming manunulat mula sa aming henerasyon ang nagsikap at nagsakripisyo, buhay man ang kapalit, sa pagsusulong ng pakikibaka at ng kanilang panulat. Marami rin ang nabigo. May mangilan-ngilang hindi na nga natuto’y ipinagpaparangalan pang ang kanilang panitikan ay sadyang sumasalungat sa “mahabang tradisyon ng panlipunang pakikisangkot ng panulaang Filipino.”

NI GELACIO GUILLERMO*
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VII, No. 12 April 29-May 5, 2007

Sa pagsusuma ng aking nagawa sa larangan ng makabayang panitikan sa loob ng halos 50 taon, na sa tantya ng mga opisyal at kasapi ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ay sapat na para parangalan ako sa pamamagitan ng Gawad Marcelo H. del Pilar, kinukumpirma ang sa kanilang pasya’y ambag ko sa pagsusulong ng panitikang nagsusulong sa pakikibaka ng mamamayan para sa isang makatarunga’t malayang lipunan.

Kapurit man ang aking nagawa, ikinatutuwa kong ang pagkilala ay magmula sa hanay ng mga militanteng kabataang peryodista at manunulat na aking hinahangaa’t sa pana-panaho’y nakakapanayam sa kanilang mga palihan. Isa pang dahilan ng aking tuwa ay ang pag-uugnay ng kabuluhan ng aking hamak na nagawa sa mga dakilang gawa ng naunang mga makabayang propagandistang tulad ni Marcelo H. del Pilar. Pinasisigla ako ng mga ito para magpursigi pa sa aking gawain.

Hindi naging madali para sa aming kabilang sa unang henerasyon ng mga manunulat na pumaloob sa kilusang pambansa-demokratikong bagong tipo ang iakma ang aming panulat, paraan ng pag-iisip at paggawa, at istilo ng pamumuhay sa pangangailangan ng isang bago’t mapagbagong kilusang masa sa pangunguna ng mga manggagawa at magbubukid. Batbat ng pagpapahalagang hanggang ngayo’y pinaiiral ng mga naghaharing uri, kinailangang muli kaming dumaan sa isang matagalan, sa katunaya’y panghabambuhay, na edukasyon para ang aming abang likha’y makapaglingkod sa pakikibaka ng masang anakpawis.

Maraming manunulat mula sa aming henerasyon ang nagsikap at nagsakripisyo, buhay man ang kapalit, sa pagsusulong ng pakikibaka at ng kanilang panulat. Marami rin ang nabigo. May mangilan-ngilang hindi na nga natuto’y ipinagpaparangalan pang ang kanilang panitikan ay sadyang sumasalungat sa “mahabang tradisyon ng panlipunang pakikisangkot ng panulaang Filipino.”

Kayong kabilang sa ikalawang henerasyon ng mga makabayang peryodista’t manunulat, marami-rami na rin ang inyong maipagmamalaki at mapaghahanguan ng mahahalagang karanasan at aral, at totoong higit na marami pa ang dapat dumaan sa pagkatuto sa buhay at pakikibaka ng masang anakpawis.

Hindi ko palalampasin ang ironya ng sitwasyon. Tinatanggap ko ang Gawad sa mismong sentro ng pagsusulat batay sa panuntunan ng New Criticism, na ang pinakabuod ay ang pagbaklas sa ugnayan ng panitikan at pulitika (na isang layuning pulitikal) at ang pagdidiin sa panitikan bilang belles-lettres sa halip na isang praktikang panlipunan. Kapuri-puri ang kapangahasan ng CEGP sa pag-uk-ok sa makapal na pader ng reaksyon sa pulitika, peryodismo at panitikan!

Tinatanggap ko rin ang Gawad sa panahong ang pandarahas ng rehimeng Estados Unidos-Arroyo laban sa mamamayang kumikilos para sa kanilang karapatang itayo ang isang lipunang makatarungan at malaya ay walang katulad sa ating kasaysayan makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Lalong sinususugan ang dahas-pang-estadong ito ng imperyalistang globalisasyon at ng batas laban sa terorismo batay sa doktrinang pandaigdig ng Estados Unidos.

Ngunit natuto nang manindigan at lumaban ang mamamayan, at kasama nila ang mga peryodista’t manunulat na mapagsiwalat ng katotohanan. Kasama nila ang mga kabataang peryodista’t manunulat na pinauunlad ng CEGP sa gitna ng pakikibaka ng sambayanan.

Muli, maraming salamat sa CEGP sa Gawad Marcelo H. del Pilar. Padayon! Inilathala ng Bulatlat

Silliman University, 16 Abril 2007

*Si Gelacio Guillermo ay naging patnugot sa panitikan ng Philippine Collegian, opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas(UP), noong 1963-64. Naging guro siya ng panitikan sa UP Los Baños at Diliman, gayundin sa Mapua Institute of Technology at University of the East (UE). Makata at kritiko, may-akda siya ng mga aklat na Azucarera at Ang Panitikan ng Pambansang Demokrasya, at patnugot naman ng mga antolohiyang MUOG: Ang Naratibo ng Matagalang Digmang Bayan sa Kanayunan at STR, Mga Tula ng Digmang Bayan. Siya ang nagsalin sa Pilipino ng Prison and Beyond, antolohiya ng mga tula ni Jose Maria Sison. Nag-iisa siyang Pilipinong napabilang sa talaan ng pinakamahuhusay na makata sa mundo sa Poezie Centrum na inilabas ngayong taon — kahanay nina Pablo Neruda, Emily Dickinson, at Bob Dylan.

Isinilang siya noong 1940 sa Hacienda Luisita, kung saan siya lumaki’t naging manggagawa nang kanyang kabataan.

RELATED CONTENT

Campus Journalists Pay Tribute to Colleagues Who Became Victims of Rights Violations

News in Pictures: Say No to Firecrackers

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
CATEGORIES
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

Leave a Comment

HUMAN RIGHTS
Groups score continuing rights abuses as Philippines undergoes review by UN body
Rights groups to file complaint vs Aquino administration
Victim files opposition to promotion of military torturers
MIGRANTS
Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia
Migrante sounds alarm against illegal deportation of OFW trade union leader from South Korea
Migrants, refugees in Europe forge an alliance
LABOR
Violations of workers’ rights, getting worse – rights group
Radio network employees gear for strike against union-busting
Workers call labor department’s order against contractualization ‘a hoax’
NEWS IN PICTURES


Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia (Photo courtesy of Migrante International / Bulatlat.com)

REGIONS
Environmentalists hail Baguio City’s ‘ban’ on SM tree-cutting
Governor hits open pit mining in Bontoc
Mining confab declares: “Philippines is not for sale”
INTERNATIONAL
The End of the End of Austerity We’re All Greeks Now
Globalism’s Perverse Rewards: World’s Apex Bully Leads World Into Lawlessness
European People Have Rejected Austerity Madness: Will the U.S. Get the Message
INDIGENOUS PEOPLES
Advocacy group for indigenous peoples pushes agenda for education
Cordillera Day 2012 focuses on mining and militarization
Killed indigenous leader Jimmy Liguyon’s family continue fight for justice
MULTIMEDIA


Video: Workers slam Aquino’s empty speech on Labor Day

Slideshow: Women slam Aquino’s inaction on price hikes


Slideshow: Workers call on Aquino to implement pro-people policies

ON THE FRINGES
The miracle of breast milk
For Dana Marie
CULTURE
GLOC-9: Nang magkatinig ang pipi
Performing Alan Jazmines: a reflection on his prison poem
Professor urges teaching of Ibaloi language
FULL COVERAGE
Wages and Labor Issues
Price Increases
GPH-NDFP Peace Talks
2010 Yearender
Morong 43
Aquino's First 100 Days
Hacienda Luisita
Ampatuan Massacre
Home         Subscribe (RSS or Email)        About Us        Donate         Contact Us         Archive         Advertise with Bulatlat
Copyright © 2009 Alipato Media Center Inc.         Read Bulatlat's Syndication Policy         Web design and hosting by Web Host Philippines