Sponsored Links
Tera Gold
Dresses
Diablo 3 Gold
China Wholesale
Bluetooth Headset
Fashion Bridal Dresses
HOME     |     LATEST STORIES     |     OPINION & ANALYSIS     |     SPECIAL REPORTS     |     MULTIMEDIA     Video     Slideshow     Audio/Podcasts     Webcasts
May 22, 2012
Manila, Philippines
Support progressive journalism.
Donate to Bulatlat.
SLIDESHOW Women slam Aquino’s inaction on price hikes
VIDEO On Labor Day, Workers call on Aquino to implement pro-people policies
STREET SHOOTER
Street Shooter: Old and New
SALUNGGUHIT Salungguhit: The face of poverty and struggle
PHOTO OF THE WEEK
Photo of the week: Sidewalk fast food
TOP STORIES
Groups score continuing rights abuses as Philippines undergoes review by UN body
Claims that US will aid Philippines against China just ‘fantasy’
Solidarity mission for victims of military abuses in Agusan del Sur held
OPINION
A plea for plain justice and a dash of humanity
Abused and unused
The Yankees are back
MUST-READS
Anti-mining campaign gaining ground in Ilocos
Five years of searching for Jonas Burgos
Philippines tops list of world’s most disaster-hit countries in 2011
BROWSE BY SECTION OR SUBJECT
Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples
Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads


DAGLI SA KRISIS: Balita nang Nakaraang Linggo

Published on February 24, 2007

Hindi nauubusan ng isyu ang bansang ito. Malalim ang balon ng pandarahas at pandarambong. Mabuti na lamang at mayroong gising – nangangampanya, tumututol, nagsasalaysay, gumugunita at nag-aaklas – habang ang marami ay natutulog na, o ipinaghehele ng mga jingle at indayog na “Boom Tarat Tarat” at “Itaktak Mo,” nagmo-malling na parang zombie (gising at nakakalakad pero patay na ang utak), ng mga pangako ng politiko habang ang mga ito ay nangungurakot at nagbebenta ng prinsipyo ng publikong interes, ng presidenteng may monotonong tinig na nagbabalita ng fantasya ng pag-igwas ng pambansang ekonomiya, ng imperyalistang Amerika na nangangamkam ng likas-yaman ng ibang bansa.

NI ROLAND TOLENTINO
Bulatlat

Habang nakikipagpulong ang United Nations Special Rapporteur on Extra-judicial, Summary or Arbitrary Executions na si Phillip Allston, kasama ng mga executive ng National Security Council, si Farly Alcantara, 22, isang estudyanteng aktibista ng League of Filipino Students (LFS) sa Camarines Norte State Colleges sa Daet, Camarines Norte, ay binaril sa harapan ng kanyang eskuwelahan.

Pormal na nagbukas ang Balikatan exercises sa Jolo, Sulo, kasama ang mga Amerikano at Filipinong sundalo. Dinaan na din sa media blitz ng U.S. ang mga nirehabilitate na bagong boulevard sa Jolo, mga bagong eskuwelahang pang-Muslim, at iba pang kawanggawang sibikong proyekto. Ayon kay Carol Araullo, tagapangulo ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan), “The nation is in dire need of patriotic leaders who will defend the nation’s sovereignty and integrity especially at this time when the leaders of the land commit acts of treason.” Sabay pakita ng litrato ng likod ng babaeng tinamaan ng shrapnel ng M203 sa nakaraang exercise noong 2006.

Kahit pa mayroong siyam na screw sa kanyang kaliwang paa at tatlo sa kanyang spinal column, ginugunita ni Carmelita Lagata, isang domestic helper sa Kuwait, kung paano niya tiniis ang aksidente para lamang makatakas sa kanyang malupit na empleyado. Kararating pa lamang sa Kuwait ay ipinatanggap sa kanya ng ahensya ang bagong kontrata – mas maliit na sweldo at mas mabigat na trabaho. Tumakas si Carmelita sa kanyang unang amo, pumunta sa embahada at pinagpasapasahan ng mga ahensyang hindi siya binabayaran. Masahol ang kanyang ikalawang amo, kung tratuhin siya ay parang hayop kapag may sumpong. Sa isang amo naman, binabayaran lamang siya ng 45KWD kada buwan at minsanan lang siya makakakain, tuwing alas-nuwebe ng gabi. Binubuksan niya ang pinto sa kanyang kuwarto para marinig ang musmos na kanyang inaalagaan sa kabilang kuwarto. Minsan ay nakita niya ang kanyang among lalake na nasa may pinto at nakatitig sa kanya. Madaling-araw na lamang siya kung matulog. Dahil sarado ang lahat ng pinto, tumalon siya sa balkonahe. Nabali ang kanyang kaliwang paa at likod.

Si Reyvi ay nag-aaral ng law sa Melbourne, Australia. Si Charo ay guro na nagdesisyong magtrabaho sa Hong Kong. Ang lalake ay aktibo sa solidarity group para sa Pilipinas, at si Charo naman ay nagsusulat para sa Filipinong komunidad sa pahayagan. Kinakapanayam ni Charo ang mga magulang ni Reyvi para sa pahayagan. At nang mapunta si Reyvi sa Hong Kong, kinapanayam din siya ni Charo. Nagkaigihan sila at nagpagpakasal. Lumipat sila sa Melbourne. Tungkol sa kanilang pag-aasawa, ang pagsusuma nila ay, “Dumaan kami sa butas ng karayom.”

Ang pamilya ni Zaynab Ampatuan, deputy secretary-general ng Suara Bangsamoro, isang party-list group ng progresibong Moro, ay ilang ulit nang lumilikas ng tirahan dahil sa all-out war ng iba’t ibang pamahalaan. Nang ideklara ni Estrada ang all-out war noong 2000, lumikas ang kanyang pamilya mula sa kanilang tirahan. Nang ulitin ang deklarasyon ni Arroyo noong 2003, natagpuan niya, kasama ng kanyang mga magulang at walong magkakapatid, ang kanilang bagong tirahan sa isang relocation site sa Carmen, North Cotabato. Taga-Carmen naman talaga ang kanyang pamilya, pero lumikas rin sila noong 1970s nang terorisahin ang lugar ng vigilanteng Ilonggo, kasama ang pagkasunog ng kanilang tirahan.

Hindi matutugunan ng kapapasa pa lamang na Biofuels Act ang problema ng tumataas na presyo ng langis na kontrolado ng monopolyo ng higanteng negosyo ng langis. Tanging ang mga malalaking panginoong maylupa at burgis-kumprador tulad ni Congressman Juan Miguel Zubiri, pangunahing awtor ng batas, ang makikinabang dito.

Ayon kay Fernando Bagyan, isang mananaliksik ng Alyansa ti Pesante iti Taeng Kordilyera (Apit Tako or Alliance of Peasants in the Cordillera Homeland), malaking problema sa unfair trade ang kinahaharap ng mga magsasaka sa Benguet dahil sa kakulangan ng post-harvest na mekanismong tulong mula sa pamahalaan. Ito ay bilang pagtugon sa anunsyo ni Secretary Arthur Yap ng Departamento ng Agrikultura na magdaragdag ng 134 na bagong bagsakan ng gulay mula sa Benguet. Dagdag pa rito, dapat matuto raw ang mga magsasaka ng Baguio at Benguet na lumaban sa kompetisyon, o makipagkompetisyon.

Etsetera, etsetera, etsetera.

Araw-araw ang balita tulad ng potensyal para sa pang-aabuso ng bagong aprobang Anti-Terrorism Bill, isang imbitasyong mananghalian na nauwi sa tangkang pagpaslang sa buhay ng secretary-general ng Southern Mindanao ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, at aktibong pangangampanya sa Davao at Mindanao ng party-list na Anakpawis at Gabriela. Hindi nauubusan ng isyu ang bansang ito. Malalim ang balon ng pandarahas at pandarambong. Mabuti na lamang at mayroong gising – nangangampanya, tumututol, nagsasalaysay, gumugunita at nag-aaklas – habang ang marami ay natutulog na, o ipinaghehele ng mga jingle at indayog na “Boom Tarat Tarat” at “Itaktak Mo,” nagmo-malling na parang zombie (gising at nakakalakad pero patay na ang utak), ng mga pangako ng politiko habang ang mga ito ay nangungurakot at nagbebenta ng prinsipyo ng publikong interes, ng presidenteng may monotonong tinig na nagbabalita ng fantasya ng pag-igwas ng pambansang ekonomiya, ng imperyalistang Amerika na nangangamkam ng likas-yaman ng ibang bansa. (Bulatlat.com)

(Halaw ang mga balita mula sa Bulatlat VII:3 (18-24 Pebrero 2007), http://www.bulatlat.com/)

——————————

(Ang maikling kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito.)

RELATED CONTENT

Hindi pa Tapos ang Boksing

Hindi pa Tapos ang Boksing

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
, ,
CATEGORIES
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

Leave a Comment

HUMAN RIGHTS
Groups score continuing rights abuses as Philippines undergoes review by UN body
Rights groups to file complaint vs Aquino administration
Victim files opposition to promotion of military torturers
MIGRANTS
Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia
Migrante sounds alarm against illegal deportation of OFW trade union leader from South Korea
Migrants, refugees in Europe forge an alliance
LABOR
Violations of workers’ rights, getting worse – rights group
Radio network employees gear for strike against union-busting
Workers call labor department’s order against contractualization ‘a hoax’
NEWS IN PICTURES


Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia (Photo courtesy of Migrante International / Bulatlat.com)

REGIONS
Environmentalists hail Baguio City’s ‘ban’ on SM tree-cutting
Governor hits open pit mining in Bontoc
Mining confab declares: “Philippines is not for sale”
INTERNATIONAL
The End of the End of Austerity We’re All Greeks Now
Globalism’s Perverse Rewards: World’s Apex Bully Leads World Into Lawlessness
European People Have Rejected Austerity Madness: Will the U.S. Get the Message
INDIGENOUS PEOPLES
Advocacy group for indigenous peoples pushes agenda for education
Cordillera Day 2012 focuses on mining and militarization
Killed indigenous leader Jimmy Liguyon’s family continue fight for justice
MULTIMEDIA


Video: Workers slam Aquino’s empty speech on Labor Day

Slideshow: Women slam Aquino’s inaction on price hikes


Slideshow: Workers call on Aquino to implement pro-people policies

ON THE FRINGES
The miracle of breast milk
For Dana Marie
CULTURE
GLOC-9: Nang magkatinig ang pipi
Performing Alan Jazmines: a reflection on his prison poem
Professor urges teaching of Ibaloi language
FULL COVERAGE
Wages and Labor Issues
Price Increases
GPH-NDFP Peace Talks
2010 Yearender
Morong 43
Aquino's First 100 Days
Hacienda Luisita
Ampatuan Massacre
Home         Subscribe (RSS or Email)        About Us        Donate         Contact Us         Archive         Advertise with Bulatlat
Copyright © 2009 Alipato Media Center Inc.         Read Bulatlat's Syndication Policy         Web design and hosting by Web Host Philippines