NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat
Hindi ito ang wakas ng aking kahapon.
Naputol man ang sanga ko ay mayroong uusbong
Na palumpong at muling tilanghad ang pagbangon
Sa mga layuning dapat pang ipagpatuloy.
At kung ang nabakling sanga’y magsungay sa sapa
Ng hindi nadilig ni minsan ng patak na dagta,
Huwag yayapakan o kaya ay itapon sa naiting lupa;
Bagkus ay yakapin upang maging gatong sa lingkaw ng diwa.
Huwag manghihinayang sa aking kahapong lumipas
Kung hindi nalasap ang mga minithi at hangad,
Dahil ang katas ng katawang subyang na umiiyak
Ay magsisilbing ningas na lalagablab sa luhang pumatak.
Sakali at makita ang palatandaan ng aking kahapon,
Magkiskis ng buhay na batong magdidiklap ang apoy.
Inilathala ng(Bulatlat.com)
RELATED CONTENTDapithapon at Umaga ng Matagalang Pakikibaka

Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia (Photo courtesy of Migrante International / Bulatlat.com)
Subscribe (RSS or Email) About Us Donate Contact Us Archive Advertise with Bulatlat
Leave a Comment