NI MILA D. AGUILAR
Inilathala ng Bulatlat.com
Ang mamamatay-tao
Walang sinisino
Maging Esperat ka man
O di kaya’y Empeno.
Makinig, ay makinig,
Abang kababayan
Huwag ka nang paggulaman
Sa babaeng gahaman.
Di mo ba nakikita
Naubos na yaman
Ng iyong abang bayan?
At ang tao pasaan?
Doon sa ibang nasyon
Sisi ang panahon.
Pati nga doktor ngayon
Matamang kinakanyon.
Wala bang tutunguhan
Ating pobreng bayan?
Makinig, ay makinig,
Bago lahat mayanig.
Kumilos ka na, masa
Ngayon na, ngayon na!
Ipunin iyong lakas
Sa tiranya umaklas
Ang bulok ay palisin
Ang donya’y walisin
Kasamaa’y alisin
Wasto’y ipagdumiin!
July 31-August 2, 2006
RELATED CONTENTHK-Based Migrant Groups to Address Noynoy with OFW Issues for SONA (PR)

Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia (Photo courtesy of Migrante International / Bulatlat.com)
Subscribe (RSS or Email) About Us Donate Contact Us Archive Advertise with Bulatlat
Leave a Comment