Sponsored Links
Tera Gold
Dresses
Diablo 3 Gold
China Wholesale
Bluetooth Headset
Fashion Bridal Dresses
HOME     |     LATEST STORIES     |     OPINION & ANALYSIS     |     SPECIAL REPORTS     |     MULTIMEDIA     Video     Slideshow     Audio/Podcasts     Webcasts
May 22, 2012
Manila, Philippines
Support progressive journalism.
Donate to Bulatlat.
SLIDESHOW Women slam Aquino’s inaction on price hikes
VIDEO On Labor Day, Workers call on Aquino to implement pro-people policies
STREET SHOOTER
Street Shooter: Old and New
SALUNGGUHIT Salungguhit: The face of poverty and struggle
PHOTO OF THE WEEK
Photo of the week: Sidewalk fast food
TOP STORIES
Groups score continuing rights abuses as Philippines undergoes review by UN body
Claims that US will aid Philippines against China just ‘fantasy’
Solidarity mission for victims of military abuses in Agusan del Sur held
OPINION
A plea for plain justice and a dash of humanity
Abused and unused
The Yankees are back
MUST-READS
Anti-mining campaign gaining ground in Ilocos
Five years of searching for Jonas Burgos
Philippines tops list of world’s most disaster-hit countries in 2011
BROWSE BY SECTION OR SUBJECT
Politics
Economy
Human Rights
OFWs & Migration
Agrarian Reform
Labor & Employment
Urban Poor
Environment
Education
Youth
Indigenous Peoples
Women & Children
Health
Media
Culture
Poetry
Analysis & Opinion
Regions
International
Democratic Space
Press Releases
Downloads


Uniquely Singapore!

Published on September 30, 2006

Gagastos ang Singapore ng SD$3 milyon para magkaroon ng isang brand image. Isa rito ang “Uniquely Singapore” na nagpapahiwatig na espesyal ang magiging karanasan sa bansa. Subali’t sa likod ng magarbong imahen na nais ipalaganap ng bansa ay ang mga kwento ng mga katulong sa Singapore.

NI ROLAND TOLENTINO
Bulatlat.com

Gagastos ang Singapore ng SD$3 milyon para magkaroon ng isang brand image. Isang kwento, pakiwari at sinasabi lamang. Hindi na pwede ang iba-ibang kwento. Kabilang sa kokonsolidahin ang “Uniquely Singapore” na nagpapahiwatig sa pagiging espesyal na karanasan sa bansa.

Narito ang ilang kakaibang kwento ng mga katulong, ang pinakamaraming bilang ng mga Filipino, mula sa bansang ito:

Bawal mabuntis ang katulong sa Singapore. Kakaltasin sa security bond ang multang $5,000. Akala ng mga amo, sila mismo ang magbabayad nito. Kaya marami ang hindi nagpapahintulot na mag-day-off ang katulong. Baka raw magka-boyfriend, at kung gayon, mabuntis kahit pa labag ito sa reproductive rights ng babae. Wala ring batas na nagbibigay ng day-off sa katulong. At ang pinag-uusapan pa lamang ay proposal na isang araw kada buwan na day-off!

Kaya rin 24/7 ang maraming katulong sa pagtratrabaho. Maraming amo ang walang tiwala sa katulong kaya inila-lock ang bahay kapag paalis na sila sa trabaho. Nakakulong ang katulong, ang iba ay nakakakita lamang ng labas kapag nagsasampay ng labada.

Ito siguro ang dahilan kung bakit mula 1999 hanggang 2005, 147 na migranteng katulong ang namatay sa pagtalon o pagkahulog sa mga building na tinitirahan. Puro high-rise na housing ang kalakhan ng tirahan sa Singapore. Delikadong maglinis ng mga bintana pero inuutusan pa rin gawin ito. Naalaala ko ang isang puna sa high-rise na tirahan na ipinatayo sa riles ng Osmena Avenue ng dating pangulong Fidel Ramos. Hindi sanay ang mga tao na walang sentrong pagtitipunan (tulad ng sari-sari store), at hindi nag-iimbita ang mga lugar para mangapitbahay. Higit ang epekto nito sa nakakatandang hirap mag-akyat panaog sa hagdan.

Hindi kasama ang katulong sa Employment Act and Workmen’s Compensation. Hindi sila tinataguriang manggagawa, at kung gayon, walang karapatan sa paggawa. Wala ring minimum wage na batas sa Singapore. Ang market ang magdidikta ng kanilang presyo.

Ang hardinero at cleaner ay kumikita ng $700-850 bawat buwan. Tatlong katulong ang katumbas ng ganitong kababa ring gawain sa Singapore. Ang simulang sahod ng Filipinang katulong ay $320, ang Indonesian at Sri Lankan ay $220-260, at ang Indian ay $150-180. May premium ang Filipina dahil nakakaunawa raw ito ng ingles na siya namang iniaangal ng iba pa dahil kahit marunong silang mag-ingles at pareho ang kanilang gawain, bakit raw mas mababa ang kanilang sahod?

Mababa ang pasahod sa katulong dahil parating inirarason ng amo, nagbabayad pa sila ng $200-295 sa gobyerno bawat buwan. Kung mayroong 150,000 katulong sa Singapore, kumikita ang gobyerno ng $360-531 milyon bawat taon na hindi naman ibinabalik sa serbisyo para sa katulong.

Kapag hindi nagustuhan ng amo ang katulong, maari itong magpapalit nang libre mula sa agency hanggang apat na beses isang taon bago mapilit na magseminar ng pamahalaan. Ang natenggang katulong, lalo na kung bagong dating, walang magiging pambayad sa agency na umaasang makakaltas ng buo sa kanyang unang tatlo hanggang anim na buwang sweldo bilang placement fee. Pinagbabayad pa siya ng pagkain at paglagak, $2 bawat araw na naglagi sa ahensya kahit pa nga wala na siyang kita.

May isang ahensya sa Singapore, Nation Employment Agency sa Bukit Timah shopping center, na bilang panghimok sa mga prospektibong amo ay gumagamit ng tunay na katulong, nakauniporme bilang mga buhay na manekin, kunwari ay naglilinis ng bintana, nagsasampay ng damit, nagwawalis at napapaligo sa mga bata para mapanood.

Maraming amo ang abusado sa kanilang katulong: verbal na mayroon pang tinatawag na “indiota” imbes na ang tunay na pangalan ng katulong, parating nilalait sa bawat pagkakamali; pisikal na kaparusahan, tulad ng pamamalo ng bakal na ruler o pagtapon ng mainit na tubig; pagkakait ng pagkain; hindi pagbabayad ng sweldo, o kung magbayad man ay hindi sapat o yung napagkasunduan; kulang sa oras ng pahinga; sexual na pang-aabuso; at iligal na pangangatulong sa ibang poder, tulad ng nanay ng amo o sa opisina, may isa pa ngang binibigyan rin ng trabaho sa pabrika bukod pa sa trabaho sa bahay!

May teorya ako tungkol sa Singapore. Sa huling 30 taon ito lubos na umunlad, hindi pa pantay na uri ng pagkaunlad. Nananatiling maraming mahirap, may naisantabing mga lahi sa kanilang multikultural na lipunan. Hindi pa sila sanay na maging mayaman at umaskang mayaman. Sa katunayan, ang sinasambit na taunang kita ng bawat mamamayan ay lampas sa USD$35,000. Pero malaking bilang ay hindi kumikita ng ganitong halaga bawat taon. Hindi lamang iisa ang kwento ng karangyaan at pagpapadloy sa Singapore.

Paano kaya pag-iisahin ang kwentong katulong kung ang sarili nitong kwento ay hindi na kayang iganyak sa kwentong Singapore? (Bulatlat.com)

RELATED CONTENT

OFW group urges RP to protest spying on domestic workers in Singapore

Pangasinan Student Trainees Sent to Singapore Complain of Abuse

ARTICLE TOOLS
Printer-Friendly Version Printer-Friendly Version

TAGS
,
CATEGORIES
REPRINT
Feel free to reprint, repost or republish this material. (Read Bulatlat's syndication policy.)

Leave a Comment

HUMAN RIGHTS
Groups score continuing rights abuses as Philippines undergoes review by UN body
Rights groups to file complaint vs Aquino administration
Victim files opposition to promotion of military torturers
MIGRANTS
Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia
Migrante sounds alarm against illegal deportation of OFW trade union leader from South Korea
Migrants, refugees in Europe forge an alliance
LABOR
Violations of workers’ rights, getting worse – rights group
Radio network employees gear for strike against union-busting
Workers call labor department’s order against contractualization ‘a hoax’
NEWS IN PICTURES


Actress Jodi Sta. Maria joins Migrante in demanding justice for OFW killed in Mongolia (Photo courtesy of Migrante International / Bulatlat.com)

REGIONS
Environmentalists hail Baguio City’s ‘ban’ on SM tree-cutting
Governor hits open pit mining in Bontoc
Mining confab declares: “Philippines is not for sale”
INTERNATIONAL
The End of the End of Austerity We’re All Greeks Now
Globalism’s Perverse Rewards: World’s Apex Bully Leads World Into Lawlessness
European People Have Rejected Austerity Madness: Will the U.S. Get the Message
INDIGENOUS PEOPLES
Advocacy group for indigenous peoples pushes agenda for education
Cordillera Day 2012 focuses on mining and militarization
Killed indigenous leader Jimmy Liguyon’s family continue fight for justice
MULTIMEDIA


Video: Workers slam Aquino’s empty speech on Labor Day

Slideshow: Women slam Aquino’s inaction on price hikes


Slideshow: Workers call on Aquino to implement pro-people policies

ON THE FRINGES
The miracle of breast milk
For Dana Marie
CULTURE
GLOC-9: Nang magkatinig ang pipi
Performing Alan Jazmines: a reflection on his prison poem
Professor urges teaching of Ibaloi language
FULL COVERAGE
Wages and Labor Issues
Price Increases
GPH-NDFP Peace Talks
2010 Yearender
Morong 43
Aquino's First 100 Days
Hacienda Luisita
Ampatuan Massacre
Home         Subscribe (RSS or Email)        About Us        Donate         Contact Us         Archive         Advertise with Bulatlat
Copyright © 2009 Alipato Media Center Inc.         Read Bulatlat's Syndication Policy         Web design and hosting by Web Host Philippines