Nabosesan

Ni Bienvenido Lumbera*
Posted by Bulatlat
Bulatlat.com

NABOSESAN

Isang araw, tumawag si Mam
Helow Garci
Helow Garci
At dalawang boses ang lumutang-lutang
Sa polusyon alingasaw
Ng papawirin sa Kamaynilaan.
Boses ni Garci, boses ni Mam.

Helow Garci
Helow Garci
Dalawang boses nagkaintindihan,
Boses ng bayaran, boses ng mastermind,
Pinagbuhol ng tungkulin at kapangyarihan.
Kasong electoral ng Mindanaw,
Inosenteng-inosente daw naman
Ang laman ng usapan.

Helow Garci
Helow Garci
Boses ni Garci, boses ni Mam
Nahuling palutang-lutang,
Sa tape ng bantay-salakay ng NBI,
Radyo TV pahayagan
Isiningaw ang lutong-makaw
Ng Komelec at Malakanyang.
Sa CD, cell, web, busina ng sasakyan
Boses ni Garci, boses ni Mam,
Sa sangkapulua’y napabuyangyang.

Helow Garci
Helow Garci
Huwag kang lilitaw
Tatawagin ko ang mga heneral,
Dapat ang bukas na tainga’y ipagbawal,
Sasabihan ko ang Dios kanyang pabulaanan
Ang mabubuking na katotohanan
Na ang eleksyon ay aking ninanakaw

PERO HELOW,
Hindi tanga ang bayan,
Sanay makiramdam.
Kung ang Dios at militar ay kayang atasan,
Pasaway ang bayan,
Tutol sa kasinungalingan,
Walang batas-batas ng wire-tapping daw.
Sigaw nila’y “Katotohanan!
Mag-resign ang magnanakaw!”

Helow Garci?

Helow Mam!
BA’T DI KA PA NAGRE-RESIGN!?

Si Bien Lumbrera ay propesor ng literatura sa Ateneo at UP at kilalang isang manunulat. Ramon Magsaysay awardee.

Posted by Bulatlat

Bulatlat.com

Share This Post