POETRY

Doon Po sa Amin (Isla de Talim, Laguna de Bay)

NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 14, May 11-17, 2008

Nagngalit ang bulkan at biglang pumutok
Sa bundok Durungaw na napakatayog.
Naukang kaldera ang buong paligid—
Subalit naiwan sa gitna ay tumpok
Ng lupang kawangis ay punyal-panusok.

Lumao’y nagsanaw napuno ng tubig,

( categories: )

Ang Manggagawa

NI RICHARD R. GAPPI
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 14, May 11-17, 2008

Singkinang ng araw
kislap ng paghataw
ng maso at singkaw:
sa bisig nagsilang
ng saysay at buhay.

Inilathala ng Bulatlat

( categories: )

Samu’t-Saring Repleksiyon ni Felix Razon, OFW, Habang Naglalakad sa Daungan ng Boston Harbor, Massachusetts, USA

NI E. SAN JUAN, JR.
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 14, May 11-17, 2008

Katawa-tawa, tila lumalala habang nagkakapatong-patong ang mga taon sa pawis at liwaliw….
Di ko pa rin makuhang manahimik, maghalukipkip….

Hindi naman nakababagot ang lungsod na ito, bukod sa ilang ghetto, bar at putahan;

( categories: )

Abutin Man Kami ng Dalawang Dantaon*

NI ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 13, May 4-10, 2008

Sa ikalawang anibersaryo ng pagdukot kina Axel Pinpin, Riel Custodio, Aristides Sarmiento, Enrico Ybañez, at Michael Masayes -- ang tinaguriang "Tagaytay 5"

Nakikita namin
ang mga pampalubag-loob na nakangiti sa amin

( categories: )

This Summer

BY MARK ANGELES
Posted by Bulatlat
Vol. VIII, No. 13, May 4-10, 2008

 
The sun steadies in the sky.
Enough to gild the field of grass
flexing towards the slit of horizon.
At the heart of it, you and I
lay serene. Underneath a hem
of drifting laundry: almost dry,
almost sullen like cornflour.
Your eyes shut resemble

( categories: )

Ispongha

NI OLIVER CARLOS
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 13, May 4-10, 2008

Kung minsan,
Kagaya lang ng kislap
Ang mga pagdating at paglisan.

At para sa isang makata
Ang paglisan ay maitutulad sa ispongha
Na hinahablot at itinataas mula sa papalayong
Alon ng dagat.

Paglisan na ang kayakap kadalasan

( categories: )

(Re)Konstruksyon

NI MARK ANGELES
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 12, April 27-May 3, 2008

Nagpunta ako isang bakasyon
sa abandonadong konstruksyon
paglilipatan sana ng munisipyo
pero nabalam ang proyekto
kalaboso kasing katakut-takot
ang sunud-sunod nitong inabot
overpriced na ang materyales
delayed pa sa completion date

( categories: )

Kwentong Kaldero

NI MARK ANGELES
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 11, April 20-26, 2008

Hus dis kabayong buntis
Hus dat kabayong bundat

Panay-rebound mga kartel ng langis
Mga kumprador nagpapasarap

Taumbaya’y iginagapos sa buwis
Sa utang panlabas, kinakaladkad

Kapag napuno sa pagmamalabis

( categories: )

Tagtuyot

NI PAPA OSMUBAL
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 11, April 20-26, 2008

( categories: )

Pagluluno ng Agila at Dragon

NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 11, April 20-26, 2008

Ang lupa nati’y tinaniman ng apoy ng puting unggoy,
At ang inani nati’y nagbabagang tansong pananaghoy.
Ngayon, muling tinataniman ng nagliliyab na dragon.
Anong aanihin natin pagdarapithapon? Iyan ang tanong!

( categories: )